*BEEEEEEEEEP BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!*
"Sophia!"
"Ahhhhhhhhhhh!"
*EEEEEEEEEEEEEEECKKKKKKKK!*
*BOOOOOOOOOOOSH! *
Agad akong napabangon mula sa pagkakatulog. Pawis na pawis at nanlalamig ang mga kamay ko. Lagi ko nalang napapanaginipan ang pangyayari. Fudge, this is not good. Biglang kumatok ang nurse at napatingin siya sa akin. Tinanong niya kung okay lang ako at sinagot na ayos lang naman ako. Humingi nalang ako ng tubig. Pupunta kami ngayon sa isang psychologist para magpacheck-up. Pagkadating namin sa office ni Dra. Buzon ay agad niya akong pinaupo. Mabait siya, friendly, maganda at palangiti. Mabilis ko siyang napakalagayang loob. Tinanong niya ako sa ilang bagay at pagkatapos, nagfocus na kami sa nangyari nung mismong araw ng aksidente.
I told her the truth at yung mga napapanaginipan ko these past few days because it really bothers me. Alam ko namang matutulungan niya ako. Tinanong niya din ako tungkol sa nararamdaman after accident. Sinabi ko na ang lahat lahat kay doktora pati yung feeling ko na nalulungkot ako dahil sa ako ang sinisisi ng pamilya ko sa nangyari. May binigay siyang gamot sa akin at pagkatapos ay sinabi kung kailan babalik for follow up check up. Binilinan ko din siya na kung may concern sa akin, ako nalang ang tawagan niya at huwag ang pamilya ko. Naiinitindihan naman niya yung sitwasyon. Pagkalabas ko, saktong nandoon si Sophia at Gavin.
Tinignan ko si Sophia pero una siyang umiwas ng tingin. Mukhang okay naman na siya at may konting galos lang sa braso hindi katulad ko na napuruhan ang ulo. Pumasok na sila samanatalang hinintay ko yung nurse na sunduin ako sa office ni doktora. Maya-maya pa ay lumabas si Gavin. Hindi ko alam kung papansinin ko ba siya o hindi. Tumabi siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Dla nastolatkówNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...