Lumapit sa akin si Ryder. Napakunot ako ng noo.
"Hello Elle!", bati niya sa akin.
"Uhhh, hello?", patanong na sabi ko. Nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Parang pinag-aaralan ang mukha ko.
"Staring is rude pare.", sabi ni Caleb.
"Hahah, sorry.", napapalo siya sa noo niya.
"Ryder Cervantes nga pala.", sabay abot niya ng kamay sa akin. Tinignan ko lang iyon.
"Aaron Calliel Del Valle", si Aaron ang umabot sa kamay niya.
"Eto naman sila Kylie, Serenity, Caleb, at si Elle.", pakilala ni Aaron sa amin.
"Yes I know.", nakatingin pa rin siya sa akin. Huhu, kanina pa nakatingin sa akin 'to. Creepy.
"May kailangan ka ba kay Elle?", tanong ni Aaron.
"Ummm, wala naman. Gusto ko lang magpakilala sakanya.", nakangiti niyang sabi.
"Uh- okay?", sagot ko naman.
"Kakain na kasi kami. Since nagkakilala naman na kayo, pwede na kaming umalis?", tanong ni Caleb.
"Yeah, sure. Nice meeting you Elle."
"Nice meeting you too.", sagot naman ni Kylie. Tumalikod na kami at nagpatuloy sa paglalakad.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ryder's POV
I can't believe this. Siya talaga yun. Hindi! Kamukhang-kamukha niya si Elle. Hindi ko mapigilan ang pagtitig sakanya. Lumabas na ko ng building ng Nursing. Pumunta talaga ako doon para makita ko siya. Maraming nakakainis na mga babae ang nagpapakuha ng picture sa akin. Kung bakit ba naman kasi ako nanalo doon sa pageant na yun eh. Marami tuloy ang nambubulabog sa akin.
Ako nga pala si Ryder Cervantes, 20 years old. BS Business Adminstration student. Graduating na din ako at malapit na din akong maghandle ng mga business ng mga magulang ko- ang Cervantes group of companies. Si daddy kasama ng mga kapatid niya ang namamalakad sa kumpanya. Tumutulong naman ako paminsan-minsan dahil sinama ako ni daddy sa mga business meetings niya kaya medyo familiar na din ako kung paano patakbuhin ang kumpanya. Ako ang bunso sa aming tatlong magkakapatid. Lahat kami, lalaki. At bilang bunsong anak, ako yung pinakapasaway. Sinusulit ko na kasi ang natitira kong mga araw bago magseryoso sa buhay. Pero parang di ko trip ang magseryoso. Gulo ko ba? Hahaha.
I hate girls.
Napakadaming maarte. Ang daming demands. Gusto ko nyan, gusto ko noon.
Puro pa-cute. Ang gusto lang naman nila, yung mukha ko.
Pero may isang babae na ang nagmamay-ari ng puso ko. At yon ay walang iba kundi si Elle.
4 years ago, Nasa bar kami ngayon dahil nakagkayayaan kaming magbabarkada.
Actually, hindi kami yung tipo ng mga tao na uhaw sa alak. Focus kami sa academics dahil pinapahalagahan namin ang pangalan ng pamilya namin. Pero siyempre, hindi din kami yung tipo ng tao na geek. Balance lang. Nagkukwentuhan kami ng biglang may narinig kaming nagbabasag ng mga baso. May commotion ata sa may bar area.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...