Chapter 8: Ice Cream

103 5 0
                                        

Marami kaming napagkwentuha ni Ryder. Business, hobbies, family, at siyempre about sa mga friends namin.   Hindi naman pala sila sobra-sobrang umiinom. Pagkanagkayayaan lang. And take note! Hindi sila naninigarilyo. Mabuti naman.  

Nasabi ko na din pala yung modules na kailangan kong sagutan. Ang guess what?

Tutulungan niya daw ako. Basta daw itext ko lang siya.  

Hahaha, natutuwa ako dahil friends na nga kami. Mas okay na yun diba?  

Nag-volunteer siyang ihatid ako sa may sakayan since tumanggi akong magpahatid sa bahay. Nung nasa may overpass na kami, napahinto ako.  

"Pwede ba Alia! Itigil mo na 'to.", sigaw ng isang lalaki.  

"Napapagod na ako. Lagi ka nalang sunod ng sunod sa akin. Kung nasaan ako, nandoon ka.", dagdag pa niya. Nakatalikod yung lalaki sa amin. Hindi ko makita ang mukha ni Alia dahil mas matangkad yung lalaki. Heheh, medyo maliit kasi yun eh.  

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong gusto sayo. Maganda ka, marami ka pang mahahanap na ibang lalaki dyan." 

Sasagot yan within 5 seconds. Si Alia ata yan! Hindi nagpapaapi.  

1 second      

2 seconds    

3 seconds  

4 seconds    

5 seconds  

Huh? Bakit wala akong narinig na boses bata?  

"Ano? Tatayo ka nalang ba dyan?" Inis na sabi ng lalaki. Medyo pinagtitinginan na sila ng mga tao.  

"Kung hindi ka aalis pwes..."  

"ALIA!", tumakbo ako papunta sa harap niya at tinapik siya. Nakita ko ang mukha niya. Pulang-pula na. Medyo maputi kasi siya.  

"NAKU! SUUUUUUPER SOOORRRRRYYYYYY!", yumuko ako. "Nakatulog ako sa library! Hindi ko namalayan yung oras. Kanina ka pa ba?", tumingin ako sakanya. Nakita kong medyo naguguluhan siya sa sinasabi ko. Makisama ka nalang. 

Tumingin ako sa lalaki.  

"Oh, magkasama ba kayo?", sabi ko sa lalaki.  

"Ha? Ah... eh... Hinihintay ka ba niya?", naguguluhang tanong ng lalaki. Hmm, ito siguro yung James na sinasabi niyang nagugustuhan niya.  

"Oo eh! Dito kami magkikita. Sabay sana kaming uuwi. Tinext ko siya na dito kami sa overpass magkikita pero nakatulog ako. SORRY ALIA!", yumuko ako at with matching puppy eyes talaga.  

"Ah, akala ko....", tapos tumingin yung lalaki kay Alia. 

"Naku, sorry. Akala ko sinusundan mo ako.", nahihiyang sabi nung lalaki.  

"Huh? Bakit ka naman niya susundan?", napataas tuloy ang kilay ko ng wala sa oras. As if ikaw yung tipong sinusundan. Wow ha! Nahiya naman ako sa mukha mo noh!  

"Umm, hindi.. Wala. Wala. Sige, mauna na ko ha. Sige, Alia, sorry talaga.", at umalis na yung James. Nung kaming dalawa nalang, nakita kong yumuko si Alia.  

"Bata, gusto mong ice cream?", sabi ko sabay hila sakanya pababa ng overpass.   Nandito kami ngayon sa may pavilion. Time check, 6:45pm. Madilim na at walang gaanong dumadaan na estudyante dito.     

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon