Chapter 10: Second Sign?

92 6 2
                                        

"Pare.", bati naman ni Aaron.  

"Pare.", sabi naman ni Ryder.  

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ni Aaron.  

"Susunduin ko lang si Elle.", sabi ni Ryder. Tumingin si Aaron sa akin nang makahulugan.   

"Sige, ingatan mo yung babes ko ha.", at ngumiti siya sa akin. Babes?! Kuma-Caleb na din siya ngayon?!  

"Kahit di mo na ipaalala.", seryosong sabi ni Ryder. Nagkatitigan lang sila.   

Bakit parang may nafi-feel akong tension?  

"Sige, text nalang kita babes.", at kumindat siya sa akin.  

SI AARON KUMINDAT?! Hindi ako makapaniwala.   

"Kinindatan ka lang, natulala ka na.", narinig kong sabi ni Ryder.  

"Hindi ah! Umm, kanina ka pa ba? Sorry. San tayo kakain?", tanong ko.  

"Doon sa Rinuen Restaurant sa may Quezon City. Tara na?"  

"Ahh, sige.", Quezon City?! Akala ko sa paligid lang ng school ang kakainan namin!   Sumakay na kami sa may kotse niya. Sobrang tahimik niya. Anyare sakanya?  

"Ah, kailan pala graduation niyo?", pagsisimula ko ng topic.  

"March 26."   "Ahh.. Mas mauuna pala kayo noh? March 28 kami." 

*Silence*      

"May damit ka na for graduation?", tanong ko ulit.  

"Wala pa. Baka sa Saturday ako bumili.", sabi niya.   

*Silence*  

ANO PA BANG PWEDENG MAPAG-USAPAN?!  

"Akalain mo yun? Ga-graduate na tayo noh?", Hindi siya sumagot.     

Okay fine. I give up. Tumingin nalang ako sa labas. Bakit kasi ang tahimik niya?          

"Wifey.", napatingin ako sakanya. Parang nag-aalangan siyang magsalita.    

Bumuntong hininga siya.    

"Kala ko hindi ka lilingon."Huh? Hinintay ko pa siyang magsalita.      

"May something ba sainyo ni Aaron?", seryosong tanong niya. Kumunot ang noo ko. 

Kami ni Aaron?  

"Wala ah! RLEmates lang kami. Bakit?" Nakatitig lang siya sakin. Pinag-aaralan yung mukha ko.              

"Okay.", Ngumiti na siya.   

Inalis ko ang tingin ko sakanya.       

Shet! Bakit ba kasi pinanganak na gwapo 'tong si Ryder eh!   Ngumiti lang siya, nagwawala na agad yung puso ko!      

"Ikaw ba? Nakabili ka na ba ng damit?", maya-maya ay tanong niya.  

"Huh? Ah, hindi pa.", sabi ko.   

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon