KEZIA's POV
Ngayong tapos na ang graduation, hindi parin natatapos ang kalbaryo namin. Next stop, BOARD EXAM! Hay. Napaaga ang board exams namin. Kung dati ay June siya tinetake, ngayon MAY na! Siyempre, walang sawang sunugan ng kilay ang ginagawa namin. Ang goal ko kasi, hindi lang basta makapasa. It's either you pass the boards or..
TOP THE BOARDS!
Yay! Mataas ba masyado? Gusto kong maging proud sila mama at papa sa akin. Gusto ko ding patunayan kila lola, mommy and daddy na makakagawa din ako ng sarili kong pangalan kahit na hindi ko sinunod yung gusto nila dati.
Okay! Enough for the drama. Baka maiyak na kayo. Hehe! Speaking of mom and dad, nagpadala sila sa akin ng graduation gift. Iphone 5! Hindi ako mahilig sa mga material na bagay. Pero dahil gift nila iyon, mahalaga sa akin iyon. Natuwa nga ako kasi akala ko hindi na nila ako naalala. Isa pa palang update sa buhay ko, nagsimula na din akong pag-aralan ang mga bagay-bagay tungkol sa nangyayari sa kumpanya namin. Nasabi ko na bang nakuha ko na yung certification ko sa BSBA? Hehe. Kaya naman super mega TIME MANAGE yung oras ko for boards and for the company. Nasabi ko naman na baka hindi hospital ang kabagsakan ko diba?
Okay, mahaba na ata itong narration ko at malapit na ata kayong makatulog ng biglang...
Loving him is like driving a new Maserati down a dead-end street
Faster than the wind, passionate as sin, ending so suddenly
Loving him is like trying to change your mind once you're already flying through the free fall
Like the colors in autumn, so bright just before they lose it all...
Napapitlag ako bigla. Badtrip. Makakatulog na nga eh. Kinuha ko ang phone ko sa may side ng table. Kakatapos ko lang kasing basahin yung about sa Delivery Process sa panganganak.
"Hello?" hindi ko napigilan yung hikab ko.
"Wifey." Bigla akong nagising! Hindi ko alam pero every time marinig ko yung boses niya eh bigla nalang nagugulo yung sistema ko.
"O-oh?"
"Nagising ba kita? Sorry ha. Gusto ko lang sabihin na susunduin kita ng mga 5pm."
"Ha? Bakit?" Wala naman akong naalala na aalis kami ngayon ha?
"Nakalimutan mo? Diba sinabi ko na ngayong friday yung celebration party naming magbabarkada?" Nagtatampong sabi niya.
FRIDAY NA BA NGAYON?! Oh em! Nakalimutan ko!
Niyaya niya pala ako nung monday at sinabing may celebration silang magbabarkada dahil graduate na sila. Parang get together party nila yun before pumasok sa kanya-kanyang trabaho sa Monday. Niyaya ako ni Ryder para naman daw makapagrelax ako sa pagrereview. Pinaalam nga niya ako kila papa. Nagulat nga ako na pumayag sila eh not to mention na overnight yun. Sinabihan nalang kami ni Papa na huwag daw kaming gagawa na ikasisira ng tiwala nila.
"Huhu, sorry! Nawala sa isip ko. Promise magiimpake na ako."
Tumingin ako sa orasan. 1 hour nalang! Okay lang. 2 days lang naman yun eh hindi naman ako katulad ng ibang babae na buong bahay dinadala. Pack light lang.
"Sige, pupunta ako ng 5pm dyan at tutulungan nalang kitang mag-impake kung sakaling hindi ka pa tapos. Ikaw talaga. Kung hindi lang kita mahal... "
Dug dug. Dug dug.
"Hay. See you later Wifey." at biglang nag-end na yung call. Ano daw? Parang nabingi ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Roman pour AdolescentsNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...