1 month after.
Off ko today. Nagte-training na ako sa Mervaille hospital as an orientee. Marami akong natututunan pa at mas nagiging confident ako dahil mismong mga doctors and nurses na ang kausap ko. Pero minsan, hindi din mawawala sakin yung kaba kapag may mga pagkakataon na hindi ko alam yung mga pwedeng mangyari during the duty.
"Are you ready Wifey?", napalingon ako kay Ryder.
"Yep."
"Let's go?", tumango lang ako. In-interlace niya yung mga kamay namin. Nandito kami ngayon sa office niya dahil may event ang kumpanya na pinagtatrabahuhan niya.
"Ipapakilala kita sa lahat ng ka-officemates ko. Matagal ka na nilang gustong makilala.", masaya niyang sabi. Never kasing nag-jive ang schedule namin ni Ryder.
"At ano naman ang kinukwento mo tungkol sa akin?", nakataas kilay kong tanong.
"Malalaman mo nalang mamaya.", confident niyang sabi.
Pagkadating namin sa floor nila, halos lahat ay nagkakasiyahan. May mga inimbitahan kasi silang mga bata na nasalanta ng bagyo nung nakaraang buwan at gusto nilang pasayahin kahit ngayong araw lang. Nagpapagames na ang mga host sa harapan at nakakatuwa silang panoorin lahat. Masaya ako dahil parehas kaming masaya ni Ryder trabaho namin. Kahit na medyo busy kami, hindi padin nawawala ang communication namin. Minsan pa nga, magsusurprise visit siya sa bahay namin. At kung minsan, kapag pagod na ako, paggising ko, katabi ko na siya sa kama ko.
"Kezia! I'm glad you're here!", at niyakap niya ako.
"Brent, masaya ako at nakita kita ulit.", sabi ko.
"Ewan ko nga kung bakit ngayon ka lang dinala ni Ryder dito eh. Alam mo bang maraming nagkakagusto na babae dyan? Hindi naniniwala na may girlfriend na siya.", at tumawa pa siya lalo.
"Talaga? Hindi ba siya nakikipag-flirt?", pa-joke kong sabi.
"Good boy ako. Hindi ko nga sila pinapansin eh.", depensa ni Ryder. Nag-weh pa ako pero natawa lang si Brent sa akin.
"Nasaan si Mariel?", tanong ko dahil hindi ko nakikita sa paligid ang girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Novela JuvenilNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...