JOSEPH's POV
"Mica, cancel all my appointments today. Yes... Because I have a date." Mula sa peripheral vision ko, nakita kong napatingin si Kezia sa akin.
"Akala ko ba mag-uusap tayo?"
"Oo nga."
"Eh anong sinasabi mo dyan?"
"Alin? Yung pagde-date natin?" Napangiti ako. Hindi ko alam pero ang sarap asarin ni Kezia.
"Oo?"
"Kasi, sabi nga nung bata kanina, pinaghintay ko yung date ko. So I think, I should spend the rest of the day with my date para makabawi." tumingin ako sakanya. Nakita ko na namula yung mga pisngi niya. Cute. Nahihiya siguro.
"Hahaha, wala lang yun. Huwag mo silang pansinin."
"Nah. Don't worry. Friendly date lang naman 'to. And I think, kailangan ko ding magrelax from work. So naisipan kong magdate nalang tayo. Besides, gusto pa kitang makilala."
"At bakit gusto mo akong makilala? Are you interested in me?", natawa ako sa narinig ko. Interested in her?
"And if yes? What will you do?", saktong nagred light kaya naman tinitigan ko siya. Kakaiba talaga siya. Napaka-straight to the point magsalita.
Una siyang umiwas ng tingin.
"Edi pipigilan kita.", sabi niya. Mas lalo akong natawa. I'm not making fun of her. Pero tingin ko, teasing her will be my next hobby. Gusto ko kasing nakikita yung pamumula ng pisngi niya. Don't get me wrong. I don't have feelings for Kezia.
"Can you? I always get what I want." , at pinaandar ko na yung sasakyan. Hindi na siya sumagot.
"Hey. Hindi ka na nagsalita? I'm just joking, okay?" Baka naman seryosohin niya yung pinagsasabi ko.
"Corny mo. Ang awkward kaya.", and she rolled her eyes. Napangiti nalang ako.
Sa totoo lang, sinadya ko talagang paghintayin siya. Nakapark lang yung kotse ko gilid ng restaurant. Tinest ko kung gaano katagal siya makapaghihintay. Ang hindi ko lang ineexpect ay ang na hihintayin niya talaga ako. Kung ibang babae siguro yan, wala pang 15 minutes ay aalis na. Mas bumilib pa ako nung nakita kong binigyan niya ng pagkain yung mga pulubi. I think she has a pure heart. Napakabait niya. Habang tinitignan siya, napangiti ako. I think I could trust her.
Nung makarating kami sa destination namin which is Paradise Ranch sa Clark, Pampanga sobrang mangha siya sa scenery.
"Oh my God! Ang ganda dito!"
"Siyempre, I want the best for my date."
Since ako ang mas nakakaalam, tinour ko siya sa Ranch. Pinakita ko yung magagandang scenery kasama na din ang Mt. Pinatubo. Kinukwento ko talaga yung history ng place. Kung hindi niyo naiitatanong, nature lover talaga ako. Sa lahat ng date ko, dito ko sila paboritong dalhin pero lahat sila, na-bored lang sa sinabi ko. Di katulad ni Kezia, talagang amaze na amaze sa nalalaman niya.
Pagkatapos namin umikot sa buong ranch, pumunta kami sa Zoocobia kung saan nakipagkulitan kami sa mga ibon doon. Para kaming mga baliw na kinakausap yung mga ibon. Nagpakain pa kami ng Ostrich. Nanood din kami ng fun show kung saan may mga hayop na nagpeperform sa harap. Tawa kami ng tawa.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Fiksi RemajaNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...