Maaga akong nagpaalam sa mga employees ko at sinabing i-uupdate ko sila from time to time. Pabalik na kami ni Kuya Arnel sa Manila. Dumaan pa ko sa Good Sheperd para sa mga pasalubong. Tinawagan ko ang mommy ni Ryder para sa surprise celebration party sa bahay nila. Natuwa naman siya at sinabing tutulungan niya ko. Ngayong sigurado na ako na mahal nga ako ni Ryder, bakit pa nga ba ako magpapakipot? Gustong-gusto ko na ngang magreply sakanya ng "I love you too" kaso pagkasinabi ko iyon, gusto kong makita yung reaction niya.
Mamaya. Hihi. Kinontact ko din sila Denisse at ang barkada niya para pumunta. Ganun din sila mommy at sila mama. Almost 2pm na nung makarating ako sa bahay nila at nagsimula nang magluto. Sabi ni Tita, mga 8pm daw dumarating si Ryder. Speaking of Ryder, ang alam niya, nasa Baguio pa ako at bukas pa ang balik ko. Kahit gusto ko mang sabihin na nandito na ako, hindi pwede.
Kahit gusto mo na siyang i-hug? Sabi ng puso ko.
Hindi pwede! >>Reply ng utak ko yan.
Kahit gusto mo nang sabihin na "I love you" sakanya?
Hindi nga pwede!!!
Kahit gusto mo na siyang i-kiss?
Hindi pwe--- teka? What? I-kiss?! Hahaha
pwede din. Yummy naman siya. Hihi
Kezia! Focus! Focus! Umiling iling ako para mawala yung iniisip ko.
"May problema ba Kezia?", tanong ni Tita Reisa sa akin.
"P-po? Wala po.", agad kong sabi.
Tinawagan ni Tita Reisa si Ryder para umuwi ng maaga. Um-oo naman daw ito. After 1 hour, nakita kong tumatawag naman si Ryder sa akin. Sinagot ko siya at kinwento niya ulit ang araw niya. Sa Monday na daw siya officially na magiging supervisor. Kinwento niya din na pinapauwi siya ng maaga ni Tita Rei. Napangiti ako. Kung alam lang niya. Sinabi ko nalang na umuwi din siya kaagad baka may mahalagang sasabihin si tita Rei at para na din sure na uuwi nga siya ng maaga.
By 7:45pm, nakahanda na ang lahat. Unti-unti na ding nagsisidatingan yung barkada ni Ryder. Binati din nila ako at nakipagkwentuhan sa akin. Kasama din ni Kuya Renz si Tracy na girlfriend niya. Nung nalaman ko yung love story nila dati, sobrang fan na nila ako promise. Sino ba ang hindi mag-aasam ng love story na katulad nila? Na iniwan ka na ng taong mahal mo pagkatapos may isang lalaking handang sumalo at papasayahin ka diba? Nawili ako sa pakikipagkwentuhan at nagsimula na din silang kumain dahil almost 8:30pm na. Tinawagan ni Tita Rei si Ryder pero hindi sumasagot. Dumating ang 9:15 pero wala padin siya. Medyo nag-aalala na ako sakanya.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...