Ryder's POV
Halos lahat nang kaibigan ni Kezia ay galit na galit sa akin.
Alam kong nasaktan ko siya, kaya nga ako nandito para mag-sorry. Mas lalo akong nainis sa sarili ko dahil sa pagpapamukha sa kamalian na nagawa ko nung gabing hindi ako naninwala sakanya.
"Mukhang hindi na ako mag-aalala kay Kezia ngayon. Marami pala siyang kaibigan na nagmamahal sakanya, mga taong naniniwala sakanya", sabi ni Troy. Napatingin ako pero nauna na pala siyang naglakad papasok sa kwarto. Kanina, pinilit kong sumama sakanya dahil sa kagustuhan kong maging maayos kami ni Kezia. Nagpractice pa nga ako nang sasabihin ko. Pero dahil sa nangyari ngayon?
Ano nga ulit ang sasabihin ko? F*ck.
Ako ang magbabatay ngayong gabi kay Kezia. Nung nakita niya ako, bigla siyang umiwas nang tingin. Malugod naman akong binati nila Tito Calix. Sabay sabay kaming kumain ng dinner pero hindi niya padin ako pinapansin. Alam mo yung feeling na parang hangin ka lang?
Maya-maya ay nagpaalam na sila Tito Calix. Sumabay na din si Troy. Nung naiwan kaming dalawa, bigla naman siyang nanood ng TV. Lumapit ako sakanya.
"Nakasalubong ko pala sila Aaron kanina bago ako pumasok.", hinihintay ko siyang magsalita pero nakatitig parin siya sa tv.
Hindi ka naman nagtanong diba? Bakit ka niya sasagutin? Ang bobo mo Ryder.
"Ready ka na bang lumabas bukas? Nakahanda na ba yung gamit mo?"
*Kroo kroo kroo...
Paano niya ba ako mapapansin?
Maghubad kaya ako sa harapan niya? Lumingon kaya siya sakin? Maganda naman yung katawan ko.
Eh kung sabihin mo nalang kaya ang gusto mong sabihin? Sabi nang isipan ko.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Ficção AdolescenteNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...