Hello! So ito na talaga ang final note ko for DO YOU KNOW ME. Huhu! Finally at natapos na din! Sobrang na-enjoy ko ang paggawa niya kahit alam kong medyo hindi ganun kagandahan. Pero sabi nga nila, may room for improvements =D Hihih
Ito yung mga behind the scene na secrets ko haha share ko lang.
1. Gavin. Actually siya talaga ang dapat makatuluyan ni Kezia from the start kasi ang sobrang first plot ng story eh tungkol sa childhood love story nila sa hospital. Ang kaso, si Ryder, nasimulan ko nang i-form yung character niya at nagustuhan naman siya ng readers so, nag-stick na ako kay Ryder. Naisip ko din na, kung si Gavin mapupunta kay Kezia, paano si Sophia? Sobrang magugulo siya diba? Eh di pa naman ako sanay sa mga maraming characters with their own stories na pagsusulat. Focus lang muna sa isang character kasi first time kong gawin itong long story. Hihi
2. Ryder. Yun nga, wala akong balak na gawin siyang bida DATI. Hahah kaso masasayangan lang ako sa character niya since na build up ko na yung love team nila nung una.
3. Love story/ Family Story. Hindi lang siya all about love story. Actually gusto ko din ipakita yung relationship ng family and kung gaano ka-strong ang bond nila. Sorry na po, na sa sobrang dami kong gustong i-highlight eh medyo naguluhan kayo. Hahah hindi lang siya all about kilig. Gusto ko din sanang i-share ang realidad ng buhay na hindi sa lahat ng pagkakataon, puro maganda ang kinahihinatnan diba? Nasa tao yan kung paano mo gagawing masaya ang buhay.
4. Plot. Okay aaminin ko talaga na as I write the story, naiiba iba talaga siya. Hindi nasusunod yung original plan. Ewan ko ba, may mga times kasi talaga na bigla nalang akong nagkaka-idea then BOOM! Iba na yung nangyari. Hahaha, ganun talaga ako eh. May mga pagkakataon pa nga na pag wala talaga ako sa mood, nakaharap lang ako sa computer for 1 hour tapos ang masusulat ko lang isang sentence. Saklap diba? Kaya sobrang sorry sa super tagal kong update.
5. Message. Ayun! Salamat sa lahat nang sumuporta sa DO YOU KNOW ME, sa kwento nila Kezia and Ryder! Salamat sa mga nagbasa, nagcomment and nagvote. Pati na din yung mga nag-add sa reading list nila at sa mga silent readers! I love you all! Kahit di kayo masyadong nag-iingay, masaya padin ako. Hihihi. Salamat din sa mga nag-vote sa Vigan Church sa Ilocos Sur para sa 7wonders. You can still vote! Let's support!
Ang goal ko lang naman eh mapa-OheMGeee! Kayo sa pagbabasa. Hihih.
Till next time! Hihih ang tatapusin ko naman eh yung What My Heart Told me. Basahin niyo din yung Slurpee Love Story okay? <3 <3 <3 <3
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
JugendliteraturNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...