KEZIA'S POV
Successful ang presentation ko.Wala naman naging problema kaya maaga natapos ito kaagad. Tuwang-tuwa ako at isa-isa akong nag-congratulate sa lahat ng employees. Pinuntahan ko sila kahit naka-duty sila. Sinabi ko na merong celebration mamayang gabi para sa lahat at pwede silang dumaan doon. Kahit na tapos na ang task ko sa Green Summer hotel, sinabi ko na bibisita padin naman ako. At sino pa ba yung laging nakabuntot sa akin? Malamang si Ryder. Feel na feel niya ang pagiging escort ko ha. Napagkakamalan tuloy kami na magboyfriend at siya? Pumapalakpak yung tenga. Tss
Maya maya, nakita ko si Janelle kasama si Nelly.
"Ate Kezia!", at mahigpit niya akong niyakap. Naka-mask siya.
"Nelly! Naku, bakit ka nandito, di ba bawal ka sa mataong lugar?", sabi ko pa sakanya.
"Dumaan lang po kami. Gusto lang po kita i-congrats kasi sami ni mama, ang galing mo daw.", nag-thank you naman ako. Kinamusta ko siya at hinalikan sa pisngi bago siya umalis.
"Siya pala si Nelly.", narinig kong sabi ni Ryder.
"Yup. Kaya nga sobrang natawa ako sayo nung nagseselos ka kay Nelly. Nagpapauso ka pa ng ibang pangalan.", natawa nalang din siya. Dumating din si Joseph doon sa party. As usual sobrang madikit na naman sa akin si Ryder na feeling mo, aagawin ako ni Joseph sakanya. Natawa nalang si Joseph sakanya. Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko.
Room 3025. See you. - Joseph
Napatingin ako sa kay Ryder. Paano ko kaya siya matatakasan? Nakipag usap pa ako sa iba hanggang sa nagpaalam si Ryder na magwawash room lang daw siya. Agad naman akong umalis sa function hall para puntahan si Joseph. I texted Ryder na huwag niya na akong hanapin dahil may gagawin lang ako.
Excited na akong makita si Joseph. This is it.
After 3 hours, sabay kaming lumabas ni Joseph sa kwarto niya. Sabi niya ay ihahatid niya daw ako sa room ko. Habang papunta sa kwarto ko, nag-usap kami about doon sa next medical mission na gaganapin sa Apalit, Pampanga at inimbitahan niya akong sumama. Sabi ko, pag ayos na ang lahat, bibisita ako doon. Nagpaalam na siya pagkatapos na maihatid ako. Papasok na sana ako sa kwarto nung biglang may nagsalita sa likod ko.
"So you were with him.", malamig na sabi niya. Napalingon ako and I can see pain in his eyes.
"R-ryder.."
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...