Nandito na kami sa Italian Restaurant na sinasabi niya. Nag-order na kami ng kakainin.
Hindi parin humihinto yung bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi niya kanina.
"...I'll make sure that you'll fall for me."",
Anong ibig sabihin niya doon? Parang aatakihin na talaga ako sa puso.
"First Sign: Biglang bumibilis ang tibok ng puso mo dahil sakanya."
No... No... Imposible.
Baka napagod lang ako sa paglalakad namin mula sa pagbaba sa library hanggang sa paglalakad dito diba? Ang layo kaya nito! Tama, kahit naglakad lang kami nakakabilis yun ng heartbeat noh! Tama! Yun nga yung dahilan.
"Hey, are you okay Elle? Parang di ka mapakali?", tanong ni Ryder.
Elle?
BAKIT SA PAGBANGGIT NIYA NG PANGALAN KO, parang lumundag yung puso ko? Nababaliw na ata ako.
"H-hindi ah! Hahaha! Okay lang ako ano ka ba.", napainom ako ng tubig.
"Napansin ko kasi na medyo malamig yung kamay mo kanina tapos parang basa. Naiilang ka ba sa akin?"
"Yung biglang bibilis ang tibok ng puso mo parang biglang nag-stop yung time? With matching namamasa pa ang mga palad ha."
Nasamid ako nung naalala ko yun!
*Cough* *Cough*
"Hey, are you okay?", may halong pag-aalala yung boses ni Ryder. Tatayo na sana siya para lapitan ako....
"Dyan ka lang! Wag kang lalapit!", pasigaw na sabi ko.
"Huh? Bakit?", nagulat ata siya sa sinabi ko. Kasi baka lumabas na yung puso ko sa dibdib ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
"Hahaha! Napagod lang ako. Haba kasi nang nilakad natin!", biro ko sakanya.
"Ahh ganun ba? Sorry. Pero I promise you na sulit yung pagod mo kasi masarap ang mga pagkain nila dito.", at kinindatan niya ako. Nasan na ba kasi...
BAKIT ANG TAGAL NG PAGKAIN?!
"Magkwento ka naman sa sarili mo.", nakatingin niyang sabi sa akin.
"Wala akong makwento. Normal lang buhay ko, buhay estudyante ganun.", sabi ko.
"Umm, bakit nursing ang kinuha mo?", pag-istart niya ng topic.
"Nung una, wala akong dahilan. Pero nung tumagal, nagustuhan ko na siya. Marami kasi akong nakakasalamuha na mga tao. Nakikita ko ang pagkakaiba ng ideal sa reality. Nakakalungkot.", sabi ko habang nilalaro ko ang mga daliri ko sa lamesa.
"Nakakalungkot talaga, pero tingin ko, ganun talaga. Wala na tayong magagawa.", dagdag ni Ryder.
"Hindi din. Nung una nga eh iniisip ko kung bakit pa tinuturo yung ideal. Siguro para may basis diba? Pero sa apat na taon ng pag-aaral ko? May na-realize ako at tingin ko, yun ang misyon ko sa buhay."

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...