Chapter 20: 2 days Exchange

96 2 0
                                    

Kakauwi ko lang ng bahay galing sa review ng biglang tumawag si Sophia. Pinaalala niya sa akin na sa Tuesday na daw ang alis ng bestfriend niya at ang presentation ng proposed resort niya sa Palawan.     Nakalimutan ko! Ako nga pala ang magpepresent sa project niya!    

"Don't worry sa wednesday magcecelebrate tayo. Isasama kita sa isang club na paborito ko.", sabi ni Sophia  

"Club? Huwag na. Kumain nalang tayo sa isang restaurant.", Mas masarap kayang kumain kaysa sa uminom.  

"Eto naman, KJ. For sure mag-eenjoy ka dun.", bigla akong napatawa sa sinabi niya.  

"Bakit ka tumatawa?"   "Wala, wala. May naalala lang ako sa club na yan."   "Ha? Ano?", tanong niya.  

"Naalala ko lang dati na may nakausap akong babae na nag-eemote. Brokenhearted.", napangiti ako habang inaalala yung scene na yun.  

"Anong nangyari? Sinamahan mo?", natatawang sabi niya.  

"Siyempre. Pinayuhan ko pa nga eh. Tapos biglang dumating yung boyfriend niya. Iniwan ko na sila dun.", kapag naiisip ko yung nangyari, natatawa ako.  

"Kaya nga kumain nalang tayo kesa uminom. Yang club na yan, para sa mga broken hearted lang yan", dagdag ko pa.     

Two days nga pala akong magpapanggap na siya. Bigla akong kinabahan.   

Actually, hindi ako kinakabahan dahil baka ma-reject ang project ang project niya. Tinulungan ko siyang gawin yung presentation niya. Kasama niya din ako sa pagpaplano at pagpapagawa ng perspective ng resort. Confident ako na ma-aaccept yung project niya. Kinakabahan ako dahil sa harap ng mga board members at sa harap din nila daddy ako magpepresent. Chineer niya pa ako na kayang-kaya ko daw yun at nagpasalamat. Hindi ko ineexpect na mapapasubo ako.  

MONDAY  

Naupo na ako sa desk ni Sophia. Tinignan ko yung paligid. Napakaayos ng opisina niya. Napatingin ako sa picture frame na nasa ibabaw ng desk niya. Picture nila ni Gavin na magka-akbay. Masaya ako at masaya ang love life ni Sophia. Ako kaya maging masaya din?  

Napangiti nalang ako.   

FOCUS KEZIA! Work ang pinunta mo dito.  

Sinimulan ko nang kalikutin ang computer. Binasa ko ulit yung presentation na ginawa namin. Halos ayos naman na ang lahat. Suggested location, architects, engineers, target population, amenities, pati pa nga proposed budget eh. Natawa ako. Parang thesis lang na idedefend ang peg? Haha!  

Teka, budget? Saan makakakuha nang ganitong kalaking budget?  

Hindi ko naisip yun. Tinawagan ko yung phone ko (which is gamit ni Sophia) pero hindi niya iyon sinasagot. Teka, mapag-aralan nga yung income and expenses ng kumpanya. Baka makakita ako ng pwedeng mapagkuhanan ng budget. Tinawagan ko yung mga tao sa Finance para magsend ng financial report sa akin. Umu-oo naman kaagad sila at humingi ng few minutes para iprepare.   Lumabas mina ako ng opisina para bumili ng tubig. Pumunta ako sa pinakamalapit na vendo machine.  

"Ms. Dela Vega.", napalingon ako sa nagsalita.  

"Yes?" Siya si Mr. Liu, ang sinasabi ni Sophia na nag-utos na gumawa ng presentation at isa siya sa may pinakamalaking share sa kumpanya.   

"Are you ready for tomorrow's presentation? Mukhang pa-relax relax ka nalang ha.", natatawa niyang sabi. Nakita ko din na may kasama siyang dalaga. Krizel Liu, ang unica hija niya.  

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon