RYDER's POV
Padabog kong sinara yung pinto pagkarating ko sa bahay. SINO NA NAMAN SI GREG?!
"Problem?", napalingon ako kay Kuya Renz na nagbabasa sa sala.
"Si Kezia. Naiinis ako kasi parang balewala lang ako sakanya.", naupo ako sa tabi niya.
"Oh, so love problem pala yan.", at tumawa siya.
"Kung makatawa ka parang wala kang problema sa love life mo ha.", napatigil naman siya sa pagtawa. Wrong move. 1 month ago kasi, nakipag-cool off siya kay Tracy dahil binalikan siya ng first love nito. Ginugulo nito ang relationship nila kuya hanggang sa dumating sa point na pati si Tracy ay naapektuhan na. Nagselos si Kuya kaya binigyan niya ng space si Tracy.
"Soon, babalik na din siya sa akin.", nakangiti niyang sabi. Naguluhan ako sa sinabi ni Kuya. Soon? Eh halos wala nga siyang ginawa kundi ang magpakalunod sa trabaho.
"Paano babalik sayo yun kung puro trabaho ang inaasikaso mo?", takang tanong ko.
"Yun ang akala mo bro. Kahit 1 month ko nang hindi nakikita si Tracy, alam ko ang nangyayari sakanya. And soon, I'll propose to her para wala nang kawala.", nakangiti niyang sabi.
"Paano?", di ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Hay nako little bro, instead na prinoproblema mo love lif e ko, why don't you focus on Kezia? Paano babalik sayo yun kung puro selos ang pinapairal mo at wala kang ginagawa?", napaisip ako sa sinabi ni kuya.
"Mukhang nahuli na ako. May Greg na siya.",
"Greg? You mean yung may matangkad na mala-Daniel Padilla yung hairstyle?", nanlaki yung mata ko. Natawa pa siya.
"You know him?!"
"Oo. Pinakilala siya sa akin ni Kezia when I went to Baguio last last week."

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...