Ryder's POV
"I understand. Pagnagpatuloy ka pa sa pagsasalita, lalo lang akong masasaktan." Narinig kong sabi ni Elle.
Naiintindihan niya? Kung ganun, alam na niya?
"Hey Elle.. Look at me.." Ayoko sa lahat ay yung nasasaktan siya.
"Hindi ko sinasadyang saktan ka, okay? It's just that, I can't hold this feeling...", pinunasan ko yung tumulo niyang luha.
I hate myself for making her cry like this.
"Ang sakit lang talaga.", at lalo pa siyang naiyak. Teka, ganun ko ba siya nasaktan dahil sa nararamdaman ko?
"Sabi kasi nila, kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo mapigilan..."
"I know. Kung mahal mo ang isang tao, hindi din maiiwasan ang masaktan." Humagulgol na siya.
"Wifey.. Are you okay? Sorry na.. Hindi ko lang talaga mapigilang magselos.", Napatingin siya sa akin.
"M-mag s-selos?", Nakakahiya mang aminin pero oo, nagseselos ako.
"Oo. Eto nanaman yung feeling na parang naagawan ako ng candy. Nung nakita kong papunta sayo yung bola, pupunta na sana ako kaso mas mabilis si Kris. Nagpasalamat pa ako at hindi ikaw yung nasaktan.."
"..kaso nung parang kinausap ka ni Kris, nakita kong namula ka bigla. Hindi ko alam pero simula nun, parang feeling ko, naiinis ako kay Kris."
"B-bakit ka naman sakanya naiinis? Niligtas nga lang niya ako eh.", sabi niya. Ngayon, tumitigil na siya sa pag-iyak.
"Weird pero, hindi ko nagustuhan yung nakita ko. Gusto ko, ako lang yung taong magpapangiti sayo. Gusto ko, ako lang yung taong nagpapakilig sayo. Gusto ko, ako lang yung taong nagpapamula ng parang kamatis ang mukha mo. Sorry, nagselos ako.", pag-aamin ko.
"Wala naman yun eh. Akala ko naman iiwan mo na ako.", Hindi ko narinig yung huling sinabi niya.
"Anong sabi mo Wifey?"
"Wala! Ang sabi ko, nakakainis ka. Pinaiyak-iyak mo pa ako nagseselos ka lang pala.", sabi niya sabay ngiti.
"Kaya nga sorry na. Sabi kasi nila, hindi maiiwasan ang pagseselos pag nagmamahal ka ng tunay.", sabi ko. Nakita kong namula siya. Eto ang gusto ko sakanya eh.
"Seloso!" yan lang yung nasabi niya.
"Sa sobrang inis ko kay Kris, pinanggigilan ko tuloy yung bola.", Tinignan ko yung kamay ko. Grabe ang sakit.
"Masakit ba?", Hinawakan niya yung kamay ko.
"Medyo.", Kung bakit ba kasi iniisip kong mukha ni Kris yung bola eh. Tss.
"Papagalingin ko.", sabi niya.
"Talaga? Paano?", Oo nga pala, nurse siya.
"Hala! Ano yun?!", gulat na tanong niya at tinuro sa may dagat. Napatingin ako.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Genç KurguNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...
