Chapter 36: Hello Baguio!

90 2 0
                                        

I'm heading to Baguio. Nakausap ko na yung manager ng hotel. Siya lang ang nakakaalam sa tunay kong pakay sa hotel. Sinabi ko yung plano ko na iikutin ko ang lahat ng departments ng hotel at magpapanggap akong new employee. Sabi niya, siya na daw ang bahala sa akin. Hihi, natuwa naman ako dahil parang undercover boss lang ang peg ko. Isa din purpose ng ganitong set up ay para maging kaibigan ko ang mga employees at kapag nalaman ko na kung paano tumatakbo ang hotel, hihingan ko sila ng ideas kung paano mas i-improve pa yung hotel. Siguro by friday, makakauwi na ako sa Manila. Mabuti naman at timing lang sa pagkakatapos ng boards ko yung challenge na binigay ni Lola. Hihi, at least may pagkakaabalahan ako while waiting for the results diba? Hay speaking of nursing life, namimiss ko na din ang RLEmates ko! Huhu...

Ask for money and get advice

Ask for advice, get money twice

I'm from the Dirty but that chico nice

Y'all call it a moment, I call it life 

One day when the light is glowing

I'll be in my castle golden

But until the gates are open

I just wanna feel this moment (oh oh)

I just wanna feel this moment (oh oh)

I just wanna feel this moment

 

I just wanna feel this moment! Sinabayan ko muna yung kanta at sumayaw sayaw pa ako. Favorite ko kaya itong kantang 'to. Sinuot ko na yung headset ko. Sino namang tatawag nang ganito kaaga? 7am palang.

"Hello?"

 

 

"Tagal mong sumagot" bungad na sabi niya.

 

Speaking of nami-miss.

 

 

"Aga mo namang tumawag.", Sino pa ba ang namimiss ko bukod sa friends ko?

"Siyempre, namimiss na agad kita."

 

 

"OA lang?", kumento ko. 

 

"Wala man lang bang 'I miss you too?'" Mas lalo akong napangiti.

"Bakit naman kita ma-mimiss eh kakakita lang natin kahapon?", Loko-loko talaga 'to. Minsan hindi ko maintindihan kung yung pagka-sweet niya eh totoo na ba o baka nasa trial and error stage padin kami. Hindi naman masamang umasa na gusto na niya ako diba? Pero minsan nag-eexpect din ako, kailan ba namin sinimulan yung ganitong set up? Almost mag-wa-one month na. Eh sa mga panahon na yun, imbes na siya ang mahulog, ako naman ang mas lalong nahuhulog. 

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon