Nahiga na ako pagdating ko sa bahay. Kinuha ko ang cellphone ko at sinet ko ang alarm. Ibaba ko na sana ng biglang may nagtext.
From Hubby:
Nakauwi ka na ba?
Huh? Malamang. Natawa ako sa text niya. Bat niya naman inaalam? . . . .
Oo nga pala! Kasama ko siya kanina sa may overpass! Hindi ako nakapagpaalam kasi bigla akong nakisingit kila Alia!
To: Hubby
Yup. Sorry! Hindi ako nakapagpaalam! (>_<)
Nagalit kaya yun? Hinihintay ko yung reply niya.
Bakit ang tagal? Huhuh galit nga ata.
*1 message received
"Okay lang. Hahaha, medyo kailangan ka ata nung kaibigan mo.", reply niya.
"Oo nga eh. Baka kasi magsuicide. Haha, joke. Ikaw ba? Nakauwi ka na?", reply ko ulit.
"Yup, kanina pa. Naisip lang kita."
Takte! Ito na naman si heart oh...
"Wag mo nga akong isipin"...<-- yan sana irereply ko, pero parang mali?
Naku! Baka isipin nun feelingera ako. Magrereply na sana ako ng bigla siyang tumawag. Nabitawan ko tuloy yung cellphone ko!
"H-hello?", sagot ko.
"Hi Elle!"
"Hello."
"Haha, puro hello ka naman.", sabi niya.
"Bakit ka pa tumawag? Sayang sa load.", sabi ko.
"Tinatamad akong magtext eh. Mas okay na 'to. Tsaka isa pa, gusto kong marining yung boses mo ulit."
Dug. Dug. Dug. Dug.
"Ha? Baliw!" , hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.
"Kinilig ka ba?"
"Ha-ha, as if naman.", mabilis na sabi ko.
"Rinig ko kasi yung bilis ng tibok ng puso mo eh.", sabi niya.
SERYOSO BA SIYA?!
"D-di ah!", narinig kong tumawa siya.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...