KEZIA's POV
Haaaaaay! Ang haba ng tulog ko. Kakauwi ko lang kagabi galing ng Pampanga, grabe, sobrang nakakapagod. Buti nalang at sabado ngayon. Dito ako sa bahay namin umuwi kasi ang boring at nakakalungkot sa condo. Bumaba na ako para magbreakfast sa kusina.
Nasaan kaya sila? Sabado na sabado, walang tao sa bahay? Hay, malungkot din pala dito. Buti pa kila Papa, sabay-sabay kaming kumain. Nakaka-miss.
"Oh, ang aga-aga nakasimangot ka.", napatingin ako sa nagsalita.
"D-dad?" Umupo siya sa tapat ko.
"Bakit parang nagulat ka?" Hindi ko mapigilan na mapatitig kay Dad.
"Ah, wala naman. Akala ko kasi nasa work na naman kayo." sinubo ko yung tinapay na kinakain ko.
"Na naman?", nagtatakang tanong ni Dad.
"Umm.. alam niyo na, katulad ng dati. Kahit weekends wala kayo ni Mommy sa bahay." Pinapasyal kami ni Daddy kahit saan tuwing weekends. Pero nabago yun nung nagfocus silang palaguin yung kumpanya.
"Kamusta naman yung pag-stay mo sa Pampanga?", pagtatanong ni Dad.
"Ayos lang naman."
"Wala naman bang problema?", Problema? Haha, kung alam lang ni Dad kung paano ako inalipusta nung Joseph na yun!
"Wala naman dad. Mababait yung mga tao doon." Tama, mababait ang tao doon. Napangiti nalang ako.
Hindi na nagsalita si Dad. Ang awkward. Bakit ganito yung feeling? Nakita kong humigop siya ng kape.
"Kamusta ka naman sa office? I hope na hindi ka pinahihirapan ng mga superiors mo?"
"I'm still adapting to it. Pero nalulungkot ako kasi walang gustong makipagkaibigan sa akin kahit anong gawin ko. Alam mo yung normal employee nga ako pero parang may wall na nakaharang? Hindi ko sila mainitindihan." napailing nalang ako.
"Sila ba ang gumagawa ng wall, o... ikaw?" Napatingin ako bigla sakanya. Ano daw? Ako?
"Naalala ko noong bata ka pa, kahit lapitan ka ng ibang mga bata para makipaglaro, sinusungitan mo sila. Si Sophia lang ang gusto mong kalaro dati. Kahit anong gawin nila, ikaw ang tumutulak palayo sa kanila." Seryosong sabi niya.
"May pagkakaiba na ngayon." Hindi ako nakikipagkaibigan dati kasi bawal na bawal sa akin ang mapagod physically. Sakitin kasi ako. Natatakot akong i-bully nila kaya naman sinusingitan ko na ang mga lumalapit sa akin.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Fiksi RemajaNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...