Pinayagan akong mag out of town with my RLE for 3 days sa Palawan! Hihi, ang saya lang. Ito ang first outing namin as a graduate. Siyempre, no girlfriends and flings allowed. As in kami kami lang! Nagpabook kami sa isang hotel at ano pa nga ba ang sinimulan naming bisitahin ng first day? Underground River! Napakaganda ng rock formations at napakalinaw ng tubig. Magtataka pa ba ako sa kagandahan eh kasama kaya 'to sa 7 Wonders of the World. Mahaba siya pero sulit naman. Biniro nga namin si Caleb na kapag may pinagtataguan siyang babae, pwede siyang manirahan sa underground. Haha!
After namin pumunta sa Underground river, nag-swimming kami at nagscuba diving! Sobrang sayang makipaghabulan sa mga isda sa dagat. Ang gaganda pa ng mga coral reefs. Mabuti nalang at may dala si Aaron na camera na waterproof. Todo picture naman kami. Si Alia? Nagpaiwan sa boat dahil natatakot daw at baka malunod. Haha, babawi nalang daw siya sa snorkeling mamaya. After 45 minutes ng pagsasaya sa dagat, naisipan naman naming magsnorkeling sa may Honda Bay. Kawawa naman ang bata kaya umahon na kami.
Tuwang tuwa si Alia dahil sobrang daming nakikita. Ako naman, kinuhanan ko lang sila ng picture. Niloloko nga ni Caleb si Alia na minsan daw may napapadpad na pating doon. Tumingin naman siya kay Kylie kung totoo ba yung sinasabi ni Caleb, si Kylie naman? Tumango lang. Bigla nalang siyang umahon at nagyaya nang kumain. Nagtawanan naman kami. Si baby talaga. Sulit naman ang binayad dahil buffet yung lunch then umikot pa kami sa ilang islands. Last stop naman namin ay sa Bay kung saan nanood kami ng Dolphins. Swerte namin dahil nakakita kami ng mga dolphins. Sabi ng tour guide, from April to October daw talaga maraming dolphins.
Since sa first day eh puro tubig ang pinasyalan namin, sa second day? SA LUPA! Pumunta kami sa Irawan Eco Park. Napakaraming attractions ang nadaanan namin bago makarating doon. Una naming chineck ay yung Art Gallery nila. Ang gagaling ng pagkakagawa ng local crafts doon. Habang lumilibot, biglang nagring yung phone ko.
"Hello?"
"Hi Wifey! Kamusta?"
"Ryder?", tumingin ako sa caller ID para siguraduhin na siya nga ang tumatawag.
"Bakit ka napatawag?" Napangiti ako dahil narinig ko yung boses niya.
"You sound unhappy na tumawag ako.", narinig ko ang tampo sa boses niya. Nai-imagine ko yung itsura niya na nakanguso.
"Ui, hindi naman, nagtaka lang..."
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Fiksi RemajaNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...
