"Anong signs naman yan?
Siguraduhin mong totoo yan ha.", sabi ni Serenity.
"Naman! Naramdaman ko na kayang ma-inlove once.", nakasimangot na sabi ni Caleb.
"Oo na. Sabihin mo na. Baka mamaya magkwento ka pa ng love life mo at next week pa tayo matapos nyan.", pang-aasar ni Kylie.
"Excited masyado? Napaghahalataan kayong wala talaga kayong experience eh. Hahaha! Pero sige eto."
"First Sign: Biglang bumibilis ang tibok ng puso mo dahil sakanya."
"Bumibilis ang tibok ng puso? Eh paano kung niyaya ka niyang magjogging? Diba bumibilis ang tibok ng puso kapag nage-exercise?", sabi ni Serenity.
"Naku naman oh!", napahampas sa ulo si Caleb.
"Babes naman! Malamang sa malamang diba? Ang sinasabi ko, yung pag may ginawa siyang isang bagay tapos biglang bumilis ang tibok ng puso mo bigla-bigla. Parang ganito oh, 'DUG.DUG-DUG.DUG.-DUG.DUG.-DUG.DUG. Yung feeling mo eh aatakihin ka na sa puso at di makahinga."
"Eh paano kung may heart failure pala talaga siya? Diba naninikip ang dibdib pag inaatake?", tanong ni Kylie.
"Isa ka pa babes eh! Iba yun okay?", naiiritang sabi ni Caleb.
"Yung biglang bibilis ang tibok ng puso mo at feeling mo biglang nag-stop yung time? With matching namamasa pa ang mga palad ha.", pag-eexplain ni Caleb.
"Baka pasmado.", sabi ni Alia.
"Hay! Ewan ko sainyo!", naiinis na sabi ni Caleb.
"Okay. Okay. Wag ka ng mainis. Yan ba yung parang sinasabi sa palabas na, nag-i-slow motion yung paligid tapos ang naririnig mo lang eh yung tibok ng puso mo dahil sakanya?", sabi ko.
"Nadali mo babes!", halos pasigaw na sabi ni Caleb.
"Oh, ano yung 2nd sign?", tanong ni Kylie.
"2nd Sign: Nacoconscious sa lahat ng bagay pagdating sakanya. Halimbawa, iniisip mo, 'ayos lang ba ang itsura mo, o magugustuhan ba niya yung damit mo?, mga ganun.'", dagdag ni Caleb.
"Damit? Ano bang kinalaman niya sa damit ko?", sabat ni Serenity.
"Naku naman! Hindi ko naman sinasabi na siya ang mamimili ng damit mo. What I'm trying to say is, kinakabahan ka every time na kaharap mo siya! Pagdarating siya, biglang parang gusto mong ma-tae. Gets?"
"Hahaha! Seryoso ba yan? Pinagloloko mo ata kami eh.", natatawang sabi ko.
"Constipated kamo.", sabi ni Kylie.
"Kanina pa kayo ah! Ano ba? Gusto niyo bang ituloy ko pa?", tanong ni Caleb.
"Sige na! Last 3 naman na eh.", sabi ni Alia.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Fiksi RemajaNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...