Chapter 27: Mahal na nga kita

62 2 0
                                    

Nang mga sumunod na araw, naging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Mr. Reyes. Hindi na niya ako pinapahiya. Hindi na din niya kami sinasaway kapag minsan eh nagkakatuwaan kami. Minsan nga eh jinoke pa siya ni Jacob at imbes na magalit, nakisama pa. Napanganga talaga kami sa sobrang gulat. During break, naisip kong umakyat sa office ni Lola para magpaalam na hindi ako makakapasok bukas dahil pupuntahan ko yung 5 branch ng hotels namin para i-check. Ive-verify ko lang kung nagawa ba yung mga plans nila na nakalagay sa expenses. Pagkadating ko sa office ni Lola, nakita ko doon si Daddy, mommy at yung company nurse. Napatingin sila sa akin.

"Sige po, aalis na ako.", paalam ni Ma'am Yesa kila Lola. Pagkalapit niya sa akin sa may pintuan, nakangiti siya sa akin.

"Salamat pala kahapon ha. Pero nagtataka talaga ako, marunong kang mag-CBG?", tanong niya.

"Ah, graduate nurse po kasi ako."

"Kaya pala! Kailan ka magboboards?", excited na sabi niya.

"4 weeks from now po. Hehe.", nahihiya kong sabi. 4 weeks nalang pala?!

"Good luck ha! Oo nga pala, gagawa ako ng mga programs na pwedeng i-implement dito sa company. Kung may free time, punta ka sa office ko para magplano tayong dalawa."

"Talaga po?! Sige!", natutuwa kong sabi. Mabait talaga si Ma'am Yesa. Tuluyan na siyang lumabas.

"May kailangan ka Kezia?", nakangiting tanong ni mommy.

"Umm, kakausapin ko lang sana si Lola, mom.", nag-aalangang sabi ko. Hindi naman kasi nila alam yung mission ko dito sa kumpanya eh.

"Go ahead.", sabi pa ni Mommy.

"Ummm..", tumingin ako kay Lola, "Privately sana." Hindi ako tumitingin kay Dad. Hindi naman ako galit pero hindi ko lang alam kung paano siya haharapin.

Nakita kong tumayo na si mommy.

"Okay. Tara na, Hon.", yaya ni mommy kay daddy. Pagkatapat nila mommy sa akin, tinanong niya kung hindi ko daw ba siya yayakapin. Natuwa naman ako at niyakap ko siya. 

"I'm so proud of you anak for saving a life.", at mas hinigpitan niya pa yung yakap sa akin. 

Sobrang natuwa ako. Feeling ko nga eh maiiyak na ako. Kumalas na si mom then lumabas na sila.

"Oh, tissue. Baka gusto mo munang umiyak.", pang-aasar ni Lola. Inirapan ko lang siya. Sinabi ko yung plano ko at pumayag naman siya. Pagkabalik ko sa may office, pinag-uusapan nila na lumabas kami at kumain sa friday night. Ang may pakana? Malamang si Daphne. Sabi ko, go lang ako. Niyaya pa nga nila si Mr. Reyes eh. Nagulat ako nung pumayag siya! Hindi namin namalayan na uwian na pala. Nasabi ko pala kay Mr. Reyes na absent ako bukas. Sabi ko ay may aasikasuhin lang ako for board exam. Pumayag naman siya. Paglabas ko sa company, nagulat ako nung nakita ko si Ryder.

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon