Maaga akong pumasok sa office ngayon. Ang agenda ko for today? Susubukan kong magkaroon kahit isang kaibigan lang. Kung ayaw nila, idadaan ko sa dahas.
Haha, joke.
Umupo na ako sa may workplace ko. Marami pala akong natambak na trabaho dahil sa 1 week na wala ako. Simulan ko na nga kaagad. Nasabi ko na bang nasa budget and finance department ako? Kaya naman sobrang nirereview namin yung income and outcome ng money sa kumpanya. Kapag napapansin kong may dumarating na employee, binabati ko sila. Ngumingiti naman sila sa akin. Masaya ako at kahit papaano ay ngumingiti sila pabalik sa akin kaysa naman dati na umiiwas sila ng tingin.
"Good morning Ms. Dela Vega." , nagulat ako nung makita ko yung supervisor namin na si Mr. Reyes.
"Good morning sir", bati ko sakanya.
"Kamusta naman ang lakad mo sa Pampanga? I hope hindi ka lang nagsaya doon. As you can see, natambakan ka na ng officeworks.", masungit na sabi niya. Hay! Itong matandang ito talaga! Nakita kong nakatingin yung ibang officemates ko sa amin. Minsan, hindi ko alam kung sinasadya ni Sir, pero madalas niya akong ipahiya sa iba. Katulad ngayon. Namiss ata ako.
"Opo sir. Tatapusin ko ito as soon as I can."
"Hindi porket anak ka ng president dito, meron ng special treatment. Tandaan mo Ms. Dela Vega, maraming ibang tao na MAS nararapat sa posisyon mo ngayon. Kung hindi lang... Wala, wala.", tignan mo. Minamaliit na naman ako.
"Huwag po kayong mag-alala Mr. Reyes, hindi po ako nakakalimot. Alam ko pong kayo ang supervisor namin na DAPAT gumagabay sa amin. Ang hindi ko lang mainitindihan eh kung kasama ba sa job description ng supervisor yung pagmamaliit sa employees dito.", nakipagtitigan ako sakanya.
"I want you to make a report of those papers at the end of this shift!", and with that, he stormed out of the room.
"EHHHHHH?! LAHAT 'TO?!", hindi ko napigilang isigaw. Napatingin ako sa tumatawang mga babae sa katabing seats ko.
"Galing mo girl! Napa-walk out mo si Mr. Reyes." , siya si Daphne, isa sa mga employees dito.
"Pagpasensyahan mo na si Mr. Reyes kung laging ikaw ang napaglalabasan ng init ng ulo. Alam mo naman ang tumatanda diba?", sabi naman ni Jessa.
"Hay, first day na first day ng linggo, minamalas agad ako.", nasabi ko nalang.
"Okay lang yan. Normal lang kay Mr. Reyes yan. Gumaganti din siya kapag may hindi siya nagustuhan.", singit naman ni Jacob.
"Sabay ka saming mag-lunch later gusto mo?" masayang yaya ni Daphne.
"Talaga?!" Hindi ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...