Chapter 37: The Clash

77 2 0
                                        

Nakabalik na ako nang Manila bandang 4pm. Tinawagan ko si Joseph para magpatulong sa ilang documents na hinid ko maintindihan. Sabi niya, nasa office daw siya sa Manila Branch at hihintayin nalang daw niya ako. Dumiretso kaagad ako sa office niya. Sinabi ko sakanya yung challenge ni sa amin ni Lola at na-assign ako sa Baguio. Binasa niya naman kaagad yung documents na kailangan ko at naglaro ako nang Farmville sa Ipad niya. Nung matapos niyang basahin, agad niyang inexplain sa akin. Sinabi ko naman yung mga plano ko para sa hotel at hiningi ko yung opinion niya. Sabi niya maganda naman daw. Base sa evaluation na mangyayari next week, doon daw ako magbase kung ano pa ang dapat baguhin.

Sabay na kaming bumaba sa building nila at nagkwentuhan naman kami tungkol sa buhay  buhay namin. Habang nasa elevator kami, biglang bumukas sa isang floor at pumasok ang isang babaeng employee. Nginitian ko naman siya. Nagkukwento ako kay Joseph tungkol sa salad na ginawa ko nung mapatingin ako sa reflection nang elevator. Napailing nalang ako sa nakita ko.

Pagkauwi ko nang bahay, dumiretso agad ako para matulog. Sobrang napagod ako ngayong araw. Bago ako matulog? Siyempre, tinext ko si Ryder na nasa bahay na ako. Sinabihan niya akong magkita nalang daw kami bukas at magpahinga daw akong mabuti. Kinabukasan, gumawa ako nung natutunan kong strawberry crepe. Nasarapan naman sila Lola sa ginawa ko. Hindi ko muna sinabi yung mga pangyayari sa Baguio para hindi sila mag-set ng expectation.

Maya-maya, nagtext sa akin si Gavin na i-meet ko daw yung videographer na kakilala niya para sabihin sakanya yung mga stolen scenes na kailagang i-take for the anniversary gift ni Sophia. Nakalimutan ko! Dali-dali akong pumunta sa kwarto. Nag-iisip ako nang mga pwedeng scenes na kuhanan at nilista yung mga schedule ni Gavin at Sophia at kung saang places sila madalas pumunta. Stalker lang ang peg nang videographer na ito. Hihi

"Ano yan?" 

 

 

 

"Ay palaka!", nagulat ako sa biglaang paglitaw nang mukha ni Sophia.

"Wala! Wala!", sabi ko sabay tago nang sinusulat ko.

"May sinisikreto ka na sa akin Kezia?", nanghihinalang mga mata ang sumalubong sa akin.

"Ano ka ba! Wala. Plano ko lang 'to para sa hotel. Sabi mo diba dapat competitive ako? Baka kopyahin mo ideas ko kaya tinatago ko.", sabi ko nalang. Sana  maniwala ka.

 

 

"Sigurado ka na related sa hotel yan ha, hindi sa iba.", paninigurado niya.

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon