Chapter 41

80 2 0
                                    

 

KEZIA's POV

 

 

It's already 6pm. Hinawi ko ang ilang hibla sa buhok ko at napangiti ako. I look so beautiful kahit na may cast ako sa braso.

 

 

 

Hahaha! Okay, ako na mayabang pero totoo naman kasi =p Paano ba naman, nagtext si Ryder sa akin at sinabing may family dinner daw sila at ineexpect ako ng parents niya na pumunta. Hindi ko alam kung sinadya ba niya o talagang meron nga talaga silang naka-schedule na family dinner. 

Actually, these past few days, sinadya ko talaga na iwasan na siya. Kahit na alam kong hindi niya sinasadya na saktan ako, alam ko sa sarili ko kung hanggang saan ang hangganan ko.

Mas mabuti na ang umiwas ng mas maaga kaysa naman sa huli, magsisi ako dahil I can't control myself anymore. Baka mas lalo lang akong masaktan.

 

 

Ang kasalanan lang naman niya, nagmahal siya.

Ganun din ako. Kaya hanggat maaga pa, ako nalang ang lalayo since I know myself very well. Besides, I need to focus on some things. I don't need distractions. I have future plans for myself. 

At isa pa, malay natin may isang lalaki talagang nakalaan para sakin. Yung lalaking magmamahal at magpapasaya sa akin. Maghintay ka lang, hahanapin din kita. Hihih pero ngayon, I need to face things first. 

Bumalik na naman yung kaba ko. Meeting Ryder's family again. Nagbago din kaya yung tingin nila sa akin dahil sa nangyari? Bumaba na ko.

"Manang, nandyan po ba si Kuya Arnel? Magpapahatid po sana ako."

 

 

 

"Nasa labas na iha." 

Nagpasalamat naman ako. Kahit 8pm pa yung dinner, maaga talaga akong umaalis para sakto kaming makarating sa tamang oras.

"Kuya, tara na. Alam mo na ha?"

 

 

"Noted, ma'am." nakangiti niyang sabi. Simula nung aksidente, nirequest ko kay Lola na magkaroon ako ng driver. Paano nga naman ako makakapagdrive ng one hand diba? Sinalpak ko na yung earphones ko at tahimik na sumakay sa likod.

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon