Sumakay na ako ng elevator. Anong floor nga ba ni Sophia? 20th floor. Biglang bumukas yung elevator sa 28th floor at sumakay ang isang lalaki. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti lang din ako. Sino nga ba 'to?
Hay, mahina talaga ako sa names. Pero alam ko nabasa ko ang pangalan nito eh. Nasa 26th floor na kami nung pinindot niya yung "door close" button. Ang sumunod na nangyari? Tinulak niya ako sa may wall at..
HINALIKAN NIYA AKO!
Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat. Nararamdaman ko padin yung lips niya sa lips ko. Bakit ganun? Nanghihina ako. Hindi ko alam yung magiging reaction ko.
*TING*
Tinulak ko siya pagkatunog ng elevator at pagkatapos....
*PAAAAK!*
Sinampal ko siya.
FIRST KISS KO KAYA YUN!
Nakita kong nagulat yung expression niya. Dali-dali akong lumabas ng elevator baka suntukin pa ako noh.
Pero nahawakan niya yung kamay ko.
Ano na naman ba?!
"KEZIA!" Gulat ang expression ni Sophia. Parehas kaming napatingin nung lalaki kay Sophia at kuya Troy. Nakita kong natigilan yung lalaki.
"Bakit mo sinampal si Gavin?", naniningkit ang mata ni Sophia.
What? GAVIN?! As in yung boyfriend niya?
"Ahh kasi...", hindi ko alam yung idadahilan ko. Pag ganyan kasi magagalit na si Sophia. Alangan namang sabihin kong dahil hinalikan ako ng boyfriend niya?! Edi lalong nagalit.
"Kasalanan ko.", sabi nung Gavin. TALAGANG KASALANAN NIYA!
"Ahh, TAMA! KASALANAN NIYA! Kasi naman! Tinakot niya ako sa elevator.", yun nalang ang nasabi ko.
"Sabi ba naman niya na may nagpapakita doon na bata. Tapos... tapos.. ginulat niya ako. Dahil sa gulat ko, nasampal ko siya. Reflex ko lang ang manampal.", palusot na sabi ko. Narining kong tumawa si Kuya Troy.
"Reflex na pala ang pagsampal ngayon. Tinakot mo kasi Bro.", sabi ni Kuya Troy.
"Oo nga eh. Umm, sorry hindi ko alam." What? Ganun lang yun?! SORRY?!
"Sa susunod kasi, kilalanin mo muna kung sino yung tao.", yun nalang ang nasabi ko. Kainis eh.
"Are you okay baby? Bumakat yung kamay ni Kezia sa pisngi mo.", narinig kong nag-aalalang tanong ni Sophia.
"I'm okay baby.", Ewww. Baby? WTF?!
"Since magkakilala na pala kayo ni Kezia, tara snacks tayong apat. Pupuntahan ka na sana namin ni Sophia sa office ni Lola. Buti nalang at nagkasalubong tayo.", sabi ni Kuya Troy. Naku talaga! Kung hindi lang talaga boyfriend ni Sophia 'to, baka nasuntok ko na 'to. Kainis! Tandaan mo 'tong araw na 'to Gavin Liam Garcia.
Gavin's POV
Nandito kami ngayon sa Starbucks malapit sa office.
Tang ina! Nakakahiya talaga! Akala ko si Sophia siya.
"So anong order mo Kez?", narinig kong tanong ni Troy.
"Kahit ano." Sagot ni Kezia. Nakita kong tumayo si Sophia.
"Same order parin baby?", tanong sakin ni Sophia.
"Yup.", tumayo na din si Troy. Aalis na sana sila ng..
"Teka? Kayong dalawa ang bibili?", napatingin kami kay Kezia.
"Yup. Since kami ang manlilibre ng snacks?", nag-aalangang tanong ni Sophia.
"Ako nalang sasama kay Kuya!", biglang tumayo si Kezia. Grabe! Sobrang halata naman na ayaw niya akong makasama. Psh.
"Hindi na Kezia. Kami nga manlilibre ni Kuya Troy.", tapos sabay alis nila papuntang counter. Padabog na umupo si Kezia.
"Psh, ungentleman.", kahit mahina, narinig ko padin.
"Look Kezia, I'm sorry. Akala ko kasi..."
"Yeah, yeah, akala mo kasi.", irap na sabi niya. Nakakainis! Bakit kasi hindi siya muna makinig?!
Masama na ba magkamali ngayon?
"Can you listen first?", inis kong sabi.
"What's the use of explaining?! Eh nagawa mo na?"
"Still, I'm sorry.", nahihiyang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkamali. Akala ko, kapag nakita ko for the first time yung kakambal ni Sophia, malalaman ko na hindi siya si Sophia. Almost 3 years na kaming magkasama ni Sophia pero nagkamali parin ako. Akala ko kilalang kilala ko na siya. Hindi ko maipaliwanag eh. Nung nakita ko kasi siya at hinalikan,
it felt so right.
Yung tipong sobrang saya ko nung nakita ko siya? Yung parang miss na miss ko siya? Hindi ko maintindihan. Feeling ko tama eh.
Bumalik na sila Sophia. Nagkwentuhan sila lalo na kay Kezia. Inaaar siya dun sa Ryder. Kaya siguro nagalit kasi may boyfriend na siya. Biglang tinanong ni Kezia kung may gagawin bukas yung mga kapatid niya. Sabi ni Troy, bibisita daw sa isang branch ng hotel sa may Tagaytay. Si Sophia naman daw, bibili ng gift para sa bestfriend niya. Tinanong nila kung bakit. Sabi lang niya wala. Pero bakit parang malungkot yung mata niya? Ano bang meron bukas? Sasabihin ko na ako sana walang gagawin.
Hahahaha! Joke. Baka sabihin pa niya feeling close ako. Bumalik na kami sa office at nakita kong sumama si Kezia kay Sophia. Gagawin daw nila yung report ni Sophia. Alam kong kailangan din naman nila ng quality time na magkapatid. Nagpaalam nalang ako. Tutal, makakasama ko din naman si Sophia mamaya pagkauwi. Pagkadating ko sa may office, umupo muna ako saglit. Kanina kasi sa Starbucks, pinagmasdan ko ng mabuti si Kezia. Kung paano siya magsalita, kung paano siya magkwento, kung paano siya ngumiti. This is so weird.
Danielle Kezia. Bakit parang matagal na kitang kakilala?
A/N: This chapter is dedicated to iamacrammer! Thank you for adding DYKM in your reading list! Kinilig ako.
Don't forget to comment, like and follow me! Promote ko na din yung two stories ko pa: What My Heart Told Me and Slurpee Love Story. Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
JugendliteraturNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...