Naghahanda ang lahat para sa magaganap na contract signing mamayang 10am para sa ipapatayong resort sa Palawan. Nakasalubong ko pa si Mr. Liu. Sabi niya kung darating daw ba si Joseph. Sabi ko darating siya dahil tinanggap niya yung proposal. Tinanong niya ako kung nagpapalakas daw ba ako kay Lola kasi malapit na daw ilabas ang list nang candidates for President dito sa company.
Huh? Meron pala nun?
Sabi ko ay wala akong balak na tumakbo bilang President. Natuwa siya dahil si Krizel (yung anak niya) at si Sophia lang daw ang pagpipilian. Sigurado daw na si Krizel ang mananalo. Iniwan niya ako at nag-good luck sa akin.
Hindi kaya may plano siyang ilabas yung anomalies sa panahon ng election at baka isisi kila Daddy yung corruption na nagaganap? Kung ganun nga ang plano niya, baka makasira yun sa reputasyon ni Sophia at baka nga si Krizel ang manalo. Mukhang kailangan ko nang kumilos ng mabilis. Bumalik na ako sa office para matapos ko na yung mga paperworks ko. Hindi ko namalayan na lunch time na pala. Siguro tapos na yung contract signing. Loko yung si Joseph ha. Hindi man lang ako kinontact?
Natapos na ang lunch time namin. Kakabalik lang namin nila Daphne from cafeteria nang nakita kong pumasok si Daddy sa department namin. Yumuko ang lahat at nakiyuko na din ako. Pagkatingin ko, nakita kong papunta siya sa direksyon ko . Ang malala?
Galit ata siya?
"Akala ko ba napapayag mo si Mr. Perfecto na pumirma ng contract? Bakit ni anino man niya hindi ko nakita?!", bungad na sigaw ni Daddy sa akin. Nakita kong nakatingin lang ang lahat sa amin.
"Baka naman po, male-late lang siya ng dating.", sabi ko. Nakalimutan ba niya? Pre-occupied kasi ako sa mga nakaraang araw kaya nakalimutan ko siyang i-contact.
"Late nang dating? Sino namang businessman ang male-late sa contract signing? Napaka-unprofessional naman niya! And 3 hours na ang nakakalipas! Napapayag mo ba siya o sinabi mo lang na napapayag mo siya pero hindi naman?"
"Napapayag ko siya dad! Bakit ba hindi kayo naniniwala?" , medyo tumaas na din ang boses ko.
"Paano ako maniniwala eh wala ka pa namang napapatunayan dito sa kumpanya? Kung hindi mo siya napapayag, sana sinabi mo kaagad para nagawan nang paraan. Bawat oras dito mahalaga Kezia!", galit na sabi niya. Ang kulit talaga oh.
"Kung hindi ko man siya napapayag, tingin niyo ba babalik ako kaagad dito? At isa pa, maghahanap ako nang kapalit niya kung sakali man na hindi ko siya napapayag.", nakipagsukatan ako nang tingin kay Dad. Malas ni Dad, sakanya ako nagmana. Hindi ako magpapatalo lalo na sa titigan.
"Kung hindi siya dumating at hindi napirmahan ang kontrata, tatanggalin kita dito sa kumpanya.", at bigla siyang lumabas sa department namin. Hindi ako makapaniwala. Ako? Tatanggalin niya daw? Paano ko na magagawa yung mission ko kay Mr. Liu. Hindi pwede 'to. Nagpaalam ako kay Mr. Reyes na lalabas lang ako saglit. Pumayag naman siya.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...