Chapter 23: Joseph

78 2 0
                                    

KEZIA's POV

Hindi ko alam kung makikipagkamay ako o ngingiti. Kasi alam niyo yung hindi ako ready? I mean malamang galit yan sa akin diba? Pagkatapos kong mag-walk out sakanya kahapon.

"I know her Lolo. I met her at the company.", sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Really? She's beautiful, right? Siya yung sinasabi ko sayo na na-meet ko nung monday.", nakangiting sabi ni Lolo. Hala! Nakwento niya na ako kay Joseph? Kung ganoon, nasabi kaya ni Lolo na...

"Yes, she is.", nagulat ako nung ngumiti si Jospeh. 

"Ah! Kezia, siya ba yung sinasabi mo sa akin noon sa elevator? Yung lalaki na.."

"LOLO FLORENTINO!!!", sigaw ko para pigilan yung sasabihin niya. Naku! Hindi ko alam kung maihaharap ko pa ang mukha ko sakanya kung nalaman niyang sinabihan ko na masungit siya at worst ay yung bakla siya.

"Haha.. Okay, I get it.", iiling-iling na sabi ni Lolo Florentino.

"Sige, maiwan ko muna kayo dito.", sabi niya sabay alis. Napatingin ako kay Joseph at nakita kong nakatingin siya sa akin. Naggsmirk siya.

"Tingin mo mapapapayag mo ako sa pagsali mo dito sa activity na 'to?", tumawa siya. Naguluhan ako sa sinasabi niya. Anong connect nun sa business namin?

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Alam ko na tinext mo ang secretary ko sa schedule ko. Itigil mo na 'to dahil I don't like people who mask themselves just to fool other people. Sayang lang oras mo Ms. Dela Vega.", What?

"So akala mo na kinukuha ko ang loob mo kaya ako sumali sa activity na 'to?", eto na naman. Naiinis nanaman ako sakanya.

"Bakit, hindi ba? I'm telling you, it's not effective." Ang yabang talaga nitong lalaking 'to.

"Feeling mo ba ikaw lang ang taong kayang mag-invest sa kumpanya namin? Para sabihin ko sayo, hindi kami magkakandarapa na habulin ka kung ayaw mo.", inirapan ko siya.

"You're very unprofessional.", narinig kong sabi niya.

"Very unprofessional? Why? Are we dealing about business here? Hindi naman tayo nasa kumpanya niyo. Kung ayaw mong maniwala sa akin, edi wag!"

"Look at your attitude now."

"Ewan ko sayo. Yabang!", tumalikod na ako at umalis. Kala niya hindi ko masasabi yun? Haha, wala naman kami sakanila eh. Actually, fair nga lang ang stand namin ngayon. We are talking as commoner here. Napangiti ako dahil nasabi ko din ang gusto kong sabihin sakanya. Bahala siya sa buhay niya.

JOSEPH's POV

Walk out na naman? Dalawang beses na akong winalk-out-an ng babaeng yun. Kakaiba talaga. Kung ibang tao iyon, siguro kukulitin padin ako. Pero siya? Hobby ata ang pagwowalk out. Anyway, wala naman akong pakialam sakanya.  Nagtataka ba kayo kung anong ginagawa ko dito? 

Everytime na magkakaroon ng ganitong activity, sponsor lagi si Lolo. Lagi akong sumasama sakanya kaya naman halos kilala ko na ang mga bumubuo sa organization na to. Actually, nagulat ako nung pagdating ko kanina dito. Medyo late kasi ako dahil may inasikaso pa ako sa kumpanya. Hinahanap ko si Lolo nung biglang mapatingin ako sa babaeng nagsasalita sa harap. 

FLASHBACK

Anong ginagawa ni Ms. Dela Vega dito?! Tinignan ko siya. Kasama ba siya sa organization? Nakakatuwa siyang tignan dahil parang kilalang-kilala niya ang mga katutubo. Nabilib nga ako dahil alam niya ang mga pangalan nila. Nagulat din ako nung nakita ko siyang nag-inject sa isang bata. Dinidistract niya ito dahil takot na magpabakuna yung bata. Pero di nagtagal, pumayag na siyang magpabakuna. Hindi ba bawal mag-injection ang hindi health worker? Bakit siya nag-iinject? Nagulat nalang ako dahil kinalabit ako ni Lolo. Hinila niya ako at tumulong sa pagbibigay ng gamot. Tinext ko ang secretary ko kung kinontact ba siya ni Ms. Dela Vega. Ang sabi niya, nagtext daw at tinanong ang schedule ko. Sabi na nga ba.  

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon