Pagkatapos namin mag-usap tungkol sa 5 SIGNS of falling in love ay bumalik na kami sa classroom. As usual, lecture na naman kami ulit. Gusto niyo malaman kung anong lecture namin?
Nah, wala akong balak ulitin. Baka maka-abot pa ko ng chapter 50. Di ko pa tapos isulat lahat ng na-lecture namin.
Anyway, after lecture, nagpaalam na kami sa isa't-isa.
Alangan naman kasing dalawa-dalawa diba?
Hahaha! Natawa ako. Kayo ba? ( _- -)
Okay fine, edi corny na. ("_ _)
Dumiretso na ako sa library.
Bakit? Balak kong tapusin yung module 2 ko at siyempre, hihiram ako ng libro tungkol sa isang subject. Naku! Computations. Akala ko lulubayan na ko ng Math sa Nursing.
Hindi pa pala. Haaaay. So after kong mahiram yung book, sinimulan ko ng gawin ang module 2. 8 modules to go!
Siguro mga 2 1/2 hours kong ginagawa yun. Medyo mahirap pero naiintindihan ko naman. Urgh! Ang sakit ng batok ko.
*Stretch sa kaliwa*
*Stretch sa kanan*
Itatago ko na sana yung module 2 ko nung bigla kong nakita yung folder na may biodata ni Ryder sa bag. Teka...
Matignan nga...
*Basa*
Ryder Cervantes, 21 years old at bunso sa tatlong magkakapatid. B.S.B.A...
At matataas ang grades niya ha!
Teka? B.S.B.A?! At matataas ang grades?! Magpaturo kaya ako sa mga modules ko para mapabilis ako?
Nah, wag na. Nakakahiya. Kay Sophia nalang ako. Tutal, pa-graduate na din naman yun eh. Mas comfortable pa noh.
*Basa pa*
Naks, consistent honor and president. Okay na okay ang records ah. Isa siyang ideal na anak. At dahil dyan, two thumbs up! Ano pa ba?
Hmmm. Hobbies? Bar hopping.
Naku po! Mukhang lasenggero ata to. Mahilig sa party. Tsk tsk. Naninigarilyo kaya siya? Ayoko pa naman sa mga lalaking naninigarilyo. Tsk tsk.
Girlfriend...
NONE?! Seryoso ba 'to?!
Napangiti ako. Siguro bakla 'to, hindi lang umaamin.
"WIFEY, di mo naman kailangan basahin ang biodata ko para makilala mo ako. You can straightly ask questions from me you know."
"Ay Bakla!", Grabe!
PARANG LALABAS NA YUNG PUSO KO SA SOBRANG GULAT!
At isa pa! Sobrang lapit lang ng mukha niya sa akin! Alam niyo yung halos 2 inches yung mukha niya sa mukha ko?!
"SHHHH!", sita ng librarian. Huhuhu! Nakakahiya.
Sinara ko kaagad ang folder.
"Bakit ka ba bigla-biglang sumusulpot dyan?", bulong ko sakanya. Umupo siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Fiksi RemajaNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...
