Chapter 11: Satur-date Part 1

117 7 0
                                    

Hinatid na ako ni Ryder sa bahay namin. Nagpasalamat nalang ako sa pagtuturo at sa panglilibre niya. Sabi ko, sa saturday ako naman ang manlilibre sakanya. Tumawa lang siya at sinabi na aasahan niya daw yun. Ano sa tingin niya? Siya lang may pera?    

Hahaha, alam ko! Mehe. Kahit na may perang pinapadala sa akin sila Lola, hindi ko nagagastos yun noh. Tipid- tipid din kung may time. Tumawag sakin si Sophia. Kinuwento ko ang nangyari sa akin ngayong araw. Inasar nga niya ako at sinasabi na ingat daw ako at baka tuluyang ma-fall in love na ko kay Ryder. Sabi ko lang, 'Eeeew'. Tumawa siya at sinabi na hindi ko daw kasi alam yung feeling kaya ganun yung reaction ko. Okay fine, siya na ang may love life. May boyfriend siya at almost 3 years na ata sila? Gavin ang pangalan niya.     

Hahah, yun lang ang alam ko sa boyfriend niya. Anyway, nagkwento siya sa akin at naglabas ng sama ng loob tungkol sa office. Ayaw daw kasing pumayag ni Mr. Liu about sa project niya na isang resort sa Palawan at dahil 30% ang share ni Mr. Liu which is medyo malaki- laki na rin, pati ang board members ay napapaisip sa pag-approve ng project ni Sophia. Bibigyan daw siya ng 1 week para mai-present ang project. Ang sakit talaga sa ulo pag ganyang bagay. Mabuti nalang daw at nakausap niya ako dahil nawala ang stress niya.     

Dumating na ang araw ng Sabado. Di ko alam kung anong isusuot ko! Huhuh, saan ba kaming mall pupunta? Naka-limang beses na akong palit ng damit. Sa huli, yung unang damit na sinuot ko ang ginamit ko. Okay na ito siguro noh? Nagpatulong ako kay Kim (pinsan ko) na magpaayos ng buhok.  

"Ayan ate! You look perfect", sabi niya sa akin.  

"Talaga?", medyo alangan pa ako. Haha, alam kong maganda ako pero di ko alam kung bakit napaka-conscious ko ngayon.  

"Oo! Ako pa.", nakangiting sabi niya.  

"Elle? Nandito na si Ryder!", sigaw ni Tita Miley sa baba. OMG! Napatayo ako bigla.  

"Hahaha! Nakakatawa ka naman ate eh. Kung makareact naman, kasal mo na?", pang-aasar ni Kim.   "D-di ah!", binatukan ko nga.   

"Sige, salamat!", yun nalang at bumaba na ko. Pagkababa ko, nakita kong nag-uusap sila Ryder at Tito Calix.  

"Oh, nandito na pala si Elle eh.", sabay na napatingin sila Tito Calix sa akin. Tumayo si Ryder at tsaka ako tinitigan. Umiwas ako ng tingin.    

"Uh.. Hello.", yun nalang nasabi ko pero iniwas ko yung tingin ko sakanya. Naiilang ako.  

"Hahah, naku Ryder, baka matunaw si Elle nyan.", pang-asar na sabi ni Tito Calix.  

"Ah... eh, sorry po. Di ko lang po kasi mapigilan.", rinig kong sabi ni Ryder.  

"Oh, anong masasabi mo sa itsura ni Elle?", sabi ni Tita Miley. Seryoso?! Kailangan nilang itanong yan habang nasa harapan nila ako?!  

"Tita Miley naman eh!", saway ko.  

"She's beautiful, Tita.", napatingin ako kay Ryder. Naramdaman kong uminit yung mukha ko.

  "Ahahaha! Bolero ka talaga! Tara na nga!", hinila ko na siya palabas. Medyo naiilang na kasi ako sa pangyayari.  

"Next time, dito ka kumain ha, ipagluluto kita.", sabi ni Tita Miley.  

"Sige po.", at nagpaalam na kaming dalawa.   

Tahimik lang sa may sasakyan. Nahihiya parin ako kay Ryder hanggang ngayon. Ano bang topic ang pwedeng pag-usapan?  

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon