KEZIA'S POV
"Welcome Kezia!", sabay sabay na bati sa akin ng employees dito sa Sales Department.
"Thank you! I'm looking forward in working with all of you. Sana alagaan niyo ako.", sabi ko sabay ngiti.
Yep, you heard it right. First day ng work ko ngayon dito sa company namin. Pero not as a boss or a manager but an employee. After i-approve ang project ni Sophia, nalaman kong sisimulan na nila ang project as soon as possible. Naghahanap siya ng pwedeng maging partner sa paggawa ng resort and samething, mga investors na pwedeng makatulong sakanya. Akala ko ayos na ang lahat until makatanggap ako ng call from my lola. Sinend ko kasi yung financial report ng 5 hotels na medyo alanganin na at feeling ko, may anomaly na nagaganap. Tinawagan niya ako para makipag-deal daw ulit sa akin. Kaagad naman akong pumunta sa office ni Lola.
"I want you to join the company" diretsong sabi ni Lola
"Ano?!" gulat na sabi ko.
"You heard it clear. Tapos na ang graduation mo diba?"
"Pero.. Magboboard exams pa ako." Hindi ko ineexpect na ganito kabilis ang mga pangyayari. Balak ko pa sana na kuhanin muna ang license ko before magstart magwork sa company.
"Our deal is after your graduation." Napatingin ako sa baba. Kailangan kong mag-isip. Marami pa akong plano para sa sarili ko.
"Pero.." May magagawa nga ba ako?
"Why? Do you have any other plans after graduation"
"Yes." Diretso akong nakatingin sa mata ni Lola.
"Then, let's make a deal again." Deal?
"May nagsend sa akin ng financial reports ng 5 branch ng hotels natin. I want you take over. Kapag nalaman mo kung anong problema, or SINO ang may kagagawan, I'll let you do whatever you want in your life. Pero tandan mo, working in our company is not that easy," Do whatever I want?! Ibig sabihin...
"Talaga?" I don't care kung gaano pa kahirap ang binigay na responsibility sa akin ni Lola. Napag-aaralan naman yun diba?
"Promise. Here, gumawa pa ako ng contract. Sign this and you'll start on Monday as a normal employee." Napangiti ako. Kahit kailan talaga si Lola. Kinuha ko na ang contract at pinirmahan ito.
I know I can do it.
Umupo na ako sa sarili kong desk. I started to review the reports. Minsan, nahuhuli kong tumitingin yung ibang employees sa akin tapos titingin sila sa ibang direksyon. Weird. Gusto ko sanang makipagkaibigan pero parang nahihiya sila. Dumating ang lunch break at nagsimula nang umingay sa office. Narinig ko pang tinatanong nila kung saan sila kakain. Tumayo na din ako at lumapit sakanila. Tinanong ko kung pwede ba akong sumabay. Medyo napatigil sila at parang nag-aalangan pa. Sabi nung isa, baka daw magtagal sila. Nakaramdam naman ako kaya sabi ko, "ah ganun ba? Naku, may pinapabasa pa sa akin at hindi ako pwedeng magtagal. Next time nalang". Gets ko naman na ayaw ata nila akong kasama? Naramdaman ko din yun nung nasa cafeteria ako. Nung naghahanap ako ng table na mauupuan, nakita kong parang umiiwas sila ng tingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Novela JuvenilNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...