SOPHIA's POV
Kinakabahan na ako para mamaya. I think everything is settled. Napalingon ako sa humawak sa balikat ko.
"Baby, calm down. You can do it.", nakangiti niyang sabi. It's Gavin. Niyakap niya ako. Unti- unti na akong kumalma. I really love Gavin. Naalala ko na naman yung ginawa niya nung anniversary namin last month. Sobrang pinaghandaan niya at ngayon, sigurado na ako na mahal nga niya ako. Naiyak ako nung nag-play ng video na nagpapakita ng mga pictures namin ni Gavin and moments namin together. I was really touched. Nagulat ako nung nakita ko sa credits yung pangalan ni Kezia. Ipinaliwanag sa akin ni Gavin ang lahat kung bakit patagong nagkikita sila ni Kezia. I am really stupid.
Speaking of Kezia. 2 buwan na ang nakakalipas simula nung huli ko siyang makita. She left and stayed at Baguio. Tanging si Lola lang ang nakakakausap sakanya. Napatawad na kaya niya ako? Ngayon ko din ulit siya makikita, kasama kasi siya sa meeting mamaya. I really miss her. Alam kong kasalanan ko kung bakit naging miserable siya.
Kasalanan ko kung bakit nasira sila ni Ryder. Sa ngayon? Friends kami ni Ryder dahil naipaliwanag naman niya ang lahat. Kahit hindi natuloy ang engagement nila, parang walang nagbago. Welcome na welcome padin siya sa family namin. Nung araw na umalis si Kezia, sinubun niyang hanapin ito. Pero ni isa kila Lola at daddy, ayaw ipaalam kung nasaan siya. Sobra siyang nagmakaawa kila daddy at sinabing sising sisi siya sa mga ginawa niya. Mahal niya daw si Kezia kaya gagawin niya ang lahat para bumalik ito sakanya. Pinayuhan lang siya ni daddy na maghintay lang muna siya sa ngayon. Kahit si daddy, alam kong sa sarili ko na gusto din niyang humingi ng tawad kay Kezia. Yun nga lang, kailangan muna naming maghintay.
Maghintay na muli niyang mabuo ang pagkatao niya. Bumukas yung pinto.
"Are you ready? Every thing is set.", si Ryder. Siya ang kinuha ko para mag-asikaso sa promotion ng hotel namin.
"Thank you. Ready na ako. Eh ikaw ba? Ready ka na bang makita ulit siya?" Ngumiti siya at tumango. Lahat kami, excited na makita siya. Lahat kami, gusto siyang muling mayakap. Sana lang, siya padin si Kezia na katulad ng dati.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KEZIA's POV
Sobrang nagmamadali na ako! Late akong nagising dahil sobrang napagod ako kagabi sa mga tinapos kong paperworks sa opisina. Pumasok ako sa Blue Sky hotel. Saan na nga ba yung meeting namin? Hmm.. Wag na kaya akong pumasok? Nakakahiya naman kasi kung papasok ako tapos lahat sila mapapatingin sa akin. Huhuh!
Tinatanong niyo ba kung anong nangyari sakin these past 2 months? Ayun, nag- soul searching ako. Muntik pa nga ako tumira sa isang kumbento sa Baguio eh.
Haha! Joke! Ang masasabi ko lang, I am better than before. Siyempre nung una, nahirapan ako kasi lahat na ng sakit sa mundo binaon ko papuntang Baguio. Mabuti nalang nung pumunta akong mines view park, naitulak ko na sa bangin lahat ng bad vibes ko. Haha joke ulit! Pero seryoso na nga, it took me a month before I let go of that feelings. Sadness empowered me because it helps me see what really matters in life: Love, compassion and kindness. Pinagtuunan ko muna ng pansin ang sarili ko at ang mga tao dito sa paligid ko. Sobrang close na nga namin ng mga employees ng hotel eh. Parang barkada at pamilya lang.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...