Idinilat ko yung mga mata ko.
Nasaan ako?
Puro puti ang nakikita ko. Nasa hospital ba ako? Iginala ko ang mga mata ko. Walang tao. Pinindot ko ang call button.
"Nurse station po."
"I am awake."
"Sige po ma'am, pupuntahan po namin kayo."
Ang sakit nang katawan ko. May cast at sling ako sa may right shoulder ko. Na-fracture ata yung braso ko. Ano nga ulit yung nangyari?
Kasalubong namin yung truck, mabilis ang mga pangyayari.
"Ahhh!" Narinig kong sigaw ni Sophia. Inapakan niya yung preno.
*EEEEEEEEEEEEEEEEECK!*
Niyakap ko siya at awtomatikong iniliko sa kaliwa. I have no choice, ito ang paraan para mas maprotektahan ko siya.
"BOOOOGSH!" Nagbukas yung airbag sa sasakyan.
Nabangga yung side nang sasakyan sa may puno kung nasan ako.
Napahawak ako sa ulo ko.
Sophia. Nasaan si Sophia?
Babalakin ko na sanang tumayo nung biglang bumukas yung pinto. Chineck ako ng doctor at nagtanong ng ilang bagay sa akin. Sa pagtatanong niya, nalaman kong 3 days pala akong walang malay. Inexplain niya na nagkaroon ako nang minor fracture sa right arms ko kaya lalagyan mananatili yung cast and sling for 6 weeks. Tinanong ko kung nasan si Sophia. Sinabi nila na nasa kabilang kwarto lang siya at maayos naman yung lagay niya. Nagkaroon lang daw ng minor scratch sakanya but overall, she's doing fine. Nakahinga ako nang maluwag. Sinabi niya na magpahinga muna ako at under observation daw ako. Sinabi din niya yung mga gamot na iinumin ko. Bago lumabas yung doctor, biglang pumasok si Mama.

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Novela JuvenilNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...