Maaga akong nagising. Mamayang 1pm kasi ang graduation ko. Siyempre, kailangang mag-ayos. Sobrang excited ako. Hahah, at last graduate na ako! Hehehe. Ay, mamaya pa pala ako graduate after graduation. Hahaha. Excited na din sila Papa (Tito Calix). Pati din sila Kim! Sinuot ko na ang aking gala. Naks! All white. Hahahah, baka kunin na ako ni Lord. Joke. Pagkatapos naming mag-ayos, pumunta na kami sa Marveille Auditorium kung saan gaganapin ang graduation namin kasi ito ang pinakamalaking auditorium.
Nakita ko ang mga RLEmates ko. Nagkwentuhan kami at siyempre picture picture! Dumating din pala si Ryder sa graduation ko. May dalang flowers. Siya na ang sweet. Hehehe. Pagkatapos ng opening remarks at ilang talks from the speakers, nag-march na kami. Nirecognize din ang mga Top students. And guess what! Kasama si Kylie! I'm so proud of her.
Ako? Hahaha, wag mo nang tanungin. Kasama naman ako sa inawardan ng Role Model Student. =D Masayang masaya ako ngayon pero at the same time, malungkot.
Bakit? Bukod sa tapos na ang school days, magkakahiwa-hiwalay na kami. Ano na ang mangyayari after graduation?
Pagkatapos ng graduation, kumain kami sa bahay. Nagpahanda kasi si mama. Nandun din yung mga kamag-anak niya sa side niya. Actually, hindi ko na sila kamag-anak kasi remember, sa side lang ako ni Papa (Tito Calix). Pero dahil anak-anakan nga ako ni mama, parang pamilya ko na din yung sa side niya. Pumunta ako sa may garden at umupo.
Ano na bang mangyayari after graduation?
Tinignan ko ang pamilya ko. Naging masaya ako kasama sila. Pero, kailangan ko ng bumalik sa tunay kong pamilya.
"Oh, anak bakit nandito ka? Ayaw mo bang makihalubilo sa mga pinsan mo?", tanong ni Papa.
"Nagpapahangin lang po. Medyo napagod.", ngumiti ako.
"Graduate ka na. Ano na ang mga susunod na plano mo?", seryosong tanong ni Tito Calix.
"Hindi ko pa po alam.", honest kong sagot. Alam kong hindi naman hospital ang kababagsakan ko kundi sa kumpanya nila Daddy. Tinignan ko ang cellphone ko. Napangiti ako ng mapait.
"Oh, bakit nakasimangot ka?"
"Hahah, ang panget ko po pala dito sa wallpaper ko.", sabi ko sabay pakita sa cellphone ko.
"Hay nako. Walang dela Vega na pangit.", tumayo na si Papa.
"Pumasok ka na sa loob at wag ng malungkot. Siguradong busy lang ang Lola mo at ang mga kapatid mo.", ngumiti siya at pumasok na.
Nagulat ako. Paano nalaman ni Papa na sila Lola ang iniisip ko? Actually, kanina ko pa kasi hinihintay yung text nila. Pero simula kaninang umaga hanggang ngayon, wala padin. Hindi ko maiwasang malungkot. Siguro marami ngang kailangang tapusin sa opisina. Pumasok na ako sa loob.
Sophia's POV
Ang daming tinatapos sa opisina. Idagdag mo pa ang nakakabwisit na report na kailangan kong ipresent. Naku naman! Tinignan ko ang oras. 6pm na pala. Bukas ko nalang tatapusin. Inaayos ko ang gamit ko nung biglang dumating si Gavin. Nakaugalian niya na talaga akong sunduin at pagkatapos, sabay kaming magdidinner sa labas. Habang nasa elevator kami, pumasok si Arah.
"Ganda ng ayos natin ah. Clubbing?", tanong ko.
"Oo. Doon kami sa Star Dance.", excited niyang sabi.
"Sama ako!", biglang napatingin sa akin si Gavin.
"Ha? Nung niyaya kita kahapon sabi mo may importante kang gagawin.", sabi ni Arah.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...