KEZIA's POV
Kakarating ko lang sa Baguio at dumiretso kaagad ako sa Green Summer Hotel. Halos lahat ng employees ay pinagtitinginan ako. Mukhang alam na nila ang nangyari. Hindi ako pwedeng magpaakpekto sa mga titig nila. 7am palang at may meeting lahat ng heads mamayang 8am. Naligo muna ako at kumain ng breakfast. Tinawagan din ako ni Ryder kanina para kamustahin. Sinasagot ko lang lahat ng tanong niya. Pagkatapos kong maghanda ay dumiretso na ako sa isa sa mga conference room ng hotel. Ako nalang ang hinihintay nila. Napatingin ako kay Chef Vincent at ngumiti. He didn't smile back. I cough as a sign na start na ng meeting.
"After I read all the reports, I guess there are a LOT of things that needs to improve. Let's look at it one by one. At the end of each department's problem, kung may idadagdag pa kayo, you can raise your hand and say it."
They all hold the paper that I prepared and my co-manager started to present the gathered informations. Bawat tapos namin per department, nagtatanong ako kung may idadagdag sila pero walang nagsalita. After discussing those things, I presented to them my ideas on how to solve and improve the hotel's current stand. Almost 1 hour and 30 minutes na ang nakakalipas pero wala paring nagsasalita.
"Our goal is to make people trust our hotel. To make Green Summer the number one choice here in Baguio. Do you have any concerns or suggestions?", sabi ko bilang pagtatapos.
"If none, then I guess we're done.", nag-ayos ako nang gamit. Pero napansin kong hindi padin tumatayo yung mga ka-meeting ko. Nagtitinginan din sila na parang may gustong sabihin.
"May problema ba? You can tell me.", nag-aalangan pa sila. Hanggang sa may isang naglakas loob. Si Janelle, manager ng Sales Department.
"How can people trust our hotel kung yung taong namumuno samin cannot be trusted?" nakita ko pa siyang sinaway ng co-manager ko.
"Tingin mo ba, mapapapayag mo kaming magtrabaho eh ang alam mo lang naman eh mang-agaw at sirain ang isang tao? How can we trust you?", dagdag pa niyang tanong.
"Janelle!", sita ulit ng katabi niya.
"Kung akala mo, susunod kami sayo, nagkakamali ka. Hindi kami makikipagtulungan sayo. Kung hindi ka aalis, kami ang aalis. Napag-usapan na namin ito nung wala ka at karamihan dito sa hotel pumayag na ikaw ang paalisin.", tuloy tuloy niyang sabi.
I am being judged again.
"May kontrata kayong pinirmahan." Paano matutuloy yung plano ko sa hotel kung less than 2 months nalang ang meron ako?
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...