RYDER's POV
Nakita ko yung gulat sa mga mata niya. Hindi siya nagsalita at nilagpasan niya lang ako. Sinundan ko siya. Akala ko ay hindi siya makikipag-usap sa akin pero dumiretso siya sa sala at umupo sa isang sofa. Umupo ako sa katapat niyang upuan. Madilim at hindi ko siya makita kaya naman kinapa ko yung switch ng lamp shade.
"Don't turn on the lights. Let's talk like this.", narinig kong sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang reaction ng mukha niya pero since gusto niyang mag-usap kami sa dilim, hinayaan ko nalang.
Walang nagsalita sa amin. F*ck. What now?
Actually, kanina pa ako kinakabahan.
"Paano mo nakilala si Sophia?", narinig kong tanong niya.
Bakit si Sophia ang pinag-uusapan namin dito? Inalala ko yung una naming pagkikita ni Sophia.
"Sa bar. Nakita ko siya dati na pinagtatanggol ang isang babae laban sa boyfriend niyang niloko siya.", honest na sabi ko.
"Love at first sight?", sumagot ako ng oo.
Tumingin ako sakanya. P*ta. Hindi ko makita yung mukha niya. Galit ba siya? Hindi ko mahulaan dahil yung boses niya ay mahina at kalmado lang.
"Binalak mo bang makipagkilala sa akin at makipaglapit para lang makilala ka ni Sophia?", tanong niya. Mas lalo akong kinabahan. Bakit wala akong maaninag na galit sakanya?
Mas gusto ko atang sigaw sigawan niya ako kaysa naman sa ganito na kalmado siya.
"Hindi. Nalaman ko na may boyfriend siya. Ang nasa isip ko noon, since may kakambal siya, bakit hindi nalang ikaw ang pagtuunan ko ng pansin? Kaya naman nirequest ko kay daddy na i-arrange marriage tayo.", pag-aamin ko.
"Sabi ko na susubukan kong sayo ibaling yung nararamdaman ko kay Sophia. Nakita ko na mahal nila ang isa't-isa kaya alam kong wala na akong pag-asa. Pero hindi ko naman ineexpect na malalaman mo sa ganung paraan ang lahat..", napayuko ako. Hiyang-hiya ako sa nagawa ko.
"Hanggang kailan mo balak itago sa akin 'to?", nararamdaman kong medyo mabigat na yung pagsasalita niya. Hanggang kailan nga ba?
"Hanggang sa sigurado na ako sa feelings ko."
Tama. Sa ngayon, naguguluhan pa ako. Masaya ako kapag kasama ko si Kezia. Naisip ko din nung mga nakaraan araw na kung kapatid lang ang turing ko sakanya, bakit ako madalas magselos kung may mga nakapaligid sakanyang mga lalaki? Yun ang hindi ko pa maintindihan. Mahal ko na ba siya? Pero ano yung nararamdaman ko kay Sophia?
"Feelings mo? Ibig sabihin may pag-asa ako sayo?", narinig ko ang tuwa sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...
