Chapter 19: Lasing Lang Ako

100 3 2
                                    

KEZIA'S POV  

"Sige, Elle, kuha lang kami ng drinks sa loob.", pagpapaalam nila Mariel.   

Ano kayang pwedeng gawin? Ayokong maiwan mag-isa. Ang weird ng feeling pero para kasing may nakatingin sa akin.    

May multo kaya dito? Huhuh.  

Lumapit nalang ako kay Kris at kinuha yung pamaypay na hawak niya. Tutulungan ko nalang siya para ma-distract ako sa weird na feeling ko kanina.  

"Tulong ako", sabi ko.  

"Huwag na. Mangangamoy usok ka lang. Doon ka nalang.", pagtataboy niya sa akin.  

"Minsan lang ako mag-alok nang tulong kaya lubusin mo na noh."  

"Bahala ka.", sabi niya habang binaligtad yung inihaw na isda. Nagpapaypay lang ako at siyempre, minsan, tumitikim nang naluto na na pagkain. Minsan nga eh naiinis sa akin si Kris kasi daw kakaluto lang, kakainin ko na daw agad. Paano naman na daw yung iba. Haha...  

"Doon ka na nga Elle, takaw takaw."  

"Eh ganun din naman eh. Para saan pa ang niluluto kung hindi din naman kakain?"  

"Puntahan mo na nga si Ryder. Nag-usap na ba kayo?", sabi niya habang nilalagyan ng sauce yung barbecue.  

"Hindi pa."Nahihiya ako eh. (>,<)  

"Hay naku, walang mangyayari sainyo kung magkakahiyaan kayo. Tignan mo nga oh, imbes na ikaw ang kausap, ibang babae kausap.", napatingin ako sa nginuso ni Kris. Si Ryder, kausap si Denisse.    

At nagtatawanan.  

Alam ko namang kasalanan ko kung bakit nauwi sa pagtatalo yung usapan namin eh.       

Pero bakit ganun? Parang wala lang sakanya?     

Eto na naman yung feeling kanina eh. Nakakainis.  

"Beer?", napalingon ako kay Kris. Inaabot niya sa akin yung beer.  

"Minsan, nakakatulong ang beer pampalakas ng loob.",sabi pa niya. Hindi naman talaga ako umiinom. Pero pampalakas daw ng loob? Kinuha ko at binuksan.     

*PWEH! Ang pait ng lasa! Pero uminom padin ako. Tinawanan lang ako ni Kris.  

Kung balewala sakanya, balewala din sa akin!   Mas nilakasan ko pa ang pagpaypay.   

"Oy! Dahan dahan lang.. Baka masunog yung iniihaw natin.", sabi niya. Inirapan ko lang siya. Paypay padin ako ng paypay hanggang sa...    

"Awww!", Napapikit ako at napahawak sa mata ko. May pumasok na abo. Napuwing tuloy ako.  

"Hoy, wag mong kusutin.", narinig kong sabi ni Kris sabay pigil sa kamay ko sa pagkusot.  

"Eh masakit eh!", nagluluha na ako.  

"Akin na, hihipan ko.", narinig kong sabi niya. Binaba niya yung kamay ko at naramdaman ko yung kamay niya na itinaas yung baba ko.  

"Dilat.", utos niya. Ramdam ko ding hinihipan niya yung mata ko.   Pinipilit kong idilat yung mata ko pero naluluha padin.   

"Hipan mo pa. Masakit padin.", sabi ko. Naramdaman ko namang lumapit pa siya at hinipan ng malakas yung mata.   

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon