Ask for money and get advice
Ask for advice, get money twice
I'm from the Dirty but that chico nice
Y'all call it a moment, I call it life
One day when the light is glowing
I'll be in my castle golden
But until the gates are open
I just wanna feel this moment (oh oh)
I just wanna feel this moment (oh oh)
I just wanna feel this moment
Pinindot ko na ang stop sa alarm ng cellphone ko. Inis na inis akong bumangon.
Feeling ko kakatulog ko lang!
Kailangan ko nga palang umalis nang maaga ngayon para matapos ko lahat ng gagawin ko on time. Pumasok na ako sa CR para maligo. Magda-drive thru nalang ako para less hassle.
Bakit nga ba ako napuyat kagabi?
Sus! Tinatanong pa ba yun? Sino ba ang makakatulog sa sobrang kakiligan kagabi? Hindi maalis alis sa isip ko yung ginawa ni Ryder kagabi. Sayang at hindi ko narecord yung kanta niya! Hay, next time na magkita kami, irerequest ko na kantahin niya ulit yun. Nagbihis na ako pagkatapos kong maligo. Hindi ko padin maalis sa isip ko yung pagkakangiti niya kagabi sa sasakyan. Mas lalo pa akong kinilig nung nagholding hands kami hanggang sa mahatid niya ako dito sa condo.
NAKAKAKILIG TALAGA! Haha, iniisip ko tuloy, baka bigla nalang ako mangisay sa kilig dito eh.
Haha, joke. OA lang 'teh? Teka, nakamamatay ba ang kilig? Ma-research nga mamaya. Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako nang makita kong nakangiti si Ryder sa akin. Napanganga ako at biglang nasara yung pinto.
SI RYDER NASA LABAS?!
Nababaliw ka na talaga Kezia! Kakaisip mo kay Ryder, kung anu- ano na ang na-iimagine mo. May pasok siya, bakit naman siya pupunta dito? At isa pa nasabi ko sakanya na may pupuntahan ako diba? Natawa nalang ako sa sarili ko. Tinapik tapik ko pa ang mukha ko. Inaantok pa ata ako. Pagkabukas ko ng pinto, wala nga si Ryder.
See! I'm just imagining things! Epekto ng inlove. Pagkabukas ng elevator sa ground floor, nagulat na naman ako at nakita ko si Ryder. Nakangiti at parang hinihintay ako.
WHAT THE HELL talaga! Natawa nalang ako.
"Kezia! Stop imagining things. Tignan mo, kakaisip mo kay Ryder, naghahallucinate ka na naman.", malakas na sabi ko sa sarili ko. Nilagpasan ko lang ang "Ryder" na nakita ko. Ito na nga ang kinatatakutan ko kapag inlove eh. Yung parang nababaliw?
"You need to focus. FOCUS. FOCUS.", sabi ko habang sinusuntok ng mahina yung ulo ko. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...