RYDER'S POV
Kasama ko ang boss ko ngayon dahil iisang destinasyon lang naman ang pupuntahann namin, sa hospital. Siya bibisitahin yung apo niya, at ako? Susunduin si Kezia. hanggang 2pm lang kasi siya at hindi kami pwedeng ma-late sa pupuntahan namin kaya susunduin ko na siya.
Actually, hindi ko alam kung anong ward siya dahil every time na ihahatid ko siya eh hanggang entrance lang ako ng hospital. Nag-ring yung phone ni Mr. Gomez kaya sinagot niya ito.
"Nandito na kami. Nagpaparking nalang yung sasakyan... Yes... Dala ko yung chocolates and flower. Okay, see you."
"Hay, ang kulit talaga ni Enzo. Sino naman kaya ang bibigyan niya ng chocolates and flower diba?", natatawang sabi ni Mr. Gomez. Enzo's his 6 year old grandson.
"Baka naman may nagustuhan na patient sir.", natatawang sabi ko.
"Iba na talaga ang mga kabataan ngayon.", napailing nalang siya. Umakyat na kami at pumasok sa loob ng room ng apo niya. I texted Kezia kung pauwi na ba siya dahil nasa hospital na ako.
"Lolo!", yakap ng apo niya.
"How are you? You look fine.", nakangiti niyang sabi.
"Yung chocolate and flower Lo?"
"Here. Oh, bakit hindi pa tinatanggal yan, eh pa-discharge ka na ha?", tinutukoy niya yung kabitan ng suero na nakatusok pa sa kamay niya.
"Ah!" , at pinindot niya yung call light.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Teen FictionNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...