"Hindi ka pa ba uuwi Kezia?", tanong ni Daphne sa akin. Sinabi ko na mag-aayos lang ako ng desk ko at pwede na silang mauna. Hindi padin mawala wala sa isip ko ang nangyari kaninang umaga sa board meeting. Pinakilala na kaming tatlo nila Sophia at Krizel para maglaban laban sa spot nang pagiging presidente ng kumpanya. Marami ang natuwa at marami din naman ang kumwestyon sa pagtakbo ko. Sinabi naman ni Lola na marami kaming challenges na kakaharapin para makita ang kakayahan namin sa pagpapatakbo sa kumpanya kaya hintayin nalang daw namin ang mangyayari.
Tumawag sa akin si Sophia at sinabing naghihintay sila sa parking lot. Hindi ko alam kung bakit ba ako gustong isama ni Sophia sa date nila ni Gavin. Baka ma-out of place lang naman ako. Babawi daw siya sa nangyari nung nakaraang dinner. Napa-oo nalang ako dahil sobrang kinukulit ako ni Sophia na sumama. Pagkalabas ko ng department namin, nakasalubong ko si Tito Bryle.
"Pinapatawag ka ni Mr. Liu sa may conference room", balita niya sa akin. Nagtaka ako. Bakit naman ako gustong kausapin ni Mr. Liu? Isa siya sa mga tumututol sa pagtakbo ko sa kumpanya. Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Pagkapasok ko sa conference room, gulat siyang tumingin sa akin.
"Kezia, it's nice to see you.", sabi niya nang naka-smirk.
"Ano pong kailangan niyo sakin?", diretsong sabi ko.
"Kailangan ko sayo?", medyo iritableng tugon niya. Napataas ako ng kilay.
"Kung wala ka namang sasabihin, mauuna na ako.", sabi ko sabay talikod sakanya.
"Baka naman ikaw ang may dapat sabihin?", pabalik niyang tanong. Napalingon ulit ako sakanya.
"Ako ba eh pinagloloko mo?", iritableng sabi ko.
"Tss. Sino ba ang nakikipaglokohan?" Nakita ko siyang tumayo sa kinauupuan niya. Nagkaroon nang mahabang katahimikan. Nagtitigan lang kami.
"Anong objective mo at tumakbo kang presidente? Dahil ba para makasiguro kayo na isang Dela Vega ang mananalo?", tanong ni Mr. Liu. Sabi na nga ba tungkol dito yung tatanungin niya eh.
"Bakit, hindi ka ba ganun ka-confident sa kakayahan ni Krizel?", nakangisi kong sabi. Tumawa siya ng malakas.
"Nagpapatawa ka ata. Kahit dalawa kayong lumaban ni Sophia, alam kong si Krizel parin ang mananalo. Nagtataka lang ako kung bakit bigla-bigla kang nagdesisyon na tumakbo. Hindi kaya, dahil sa gusto mong maagaw ang lahat kay Sophia?"
"Anong ibig mong sabihin?", nagtataka kong sagot.
"Kung titignan natin sa point of view ng ibang tao, kumpara sayo, walang wala ka kay Sophia. Bukod sa magaling siyang maghandle at makipagnegotiate sa iba, hindi rin maikakaila na mas malapit siya sa pamilya mo kumpara sayo. Siya? Magna Cum Laude nang grumaduate, sinusunod niya lahat ng kagustuhan ng magulang mo. Nakakatulong siya sa pagpapalago ng kumpanya. Eh ikaw? Anong silbi mo dito?"

BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Novela JuvenilNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...