KEZIA's POV
Hindi ako pumasok ngayong araw. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Pilit kong iniaalis sa isip ko ang narinig ko kagabi pero kahit anong pilit ko, kusa itong bumabalik ng malinaw sa utak ko.
"Sinubukan kong maging sweet kay Kezia, na baka may maramdaman ako. Pero wala talaga pare. Iba, iba yung nararamdaman ko para kay Kezia. Feeling ko, parang kapatid ko lang siya."
Sa simula palang pala, binalak na ni Ryder na maging malapit sa akin. Akala ko dahil sa gusto niya talaga akong makilala.
Akala ko, lahat nang ginagawa niya ay bukal sa loob niya.
Yun pala, para makuha niya lang ang loob ko.
"Nakipagkilala ka kay Kezia kasi akala mo, dahil sa magkamukha sila, ay maiinlove ka kaagad kay Kezia. Yung totoo pare, mahal mo padin ba si Sophia?"
Natatakot ako na malaman ang sagot ni Ryder. Kahit alam kong masasaktan ako sa isasagot niya, hinintay ko siyang sumagot. Gusto ko, marinig ko mula sakanya.
"Bakit hindi ka makasagot? Ibig sabihin, mahal mo pa nga si Sophia."
Hindi ko alam pero parang sasabog yung puso ko sa sobrang sakit. Sa simula palang, si Sophia na ang gusto niya.
Buti sana kung gusto.
Hindi eh. Mahal niya si Sophia.
Muling tumulo ang mga luha ko.
"Gusto ko naman kasi si Kezia. Pero tuwing nakikita ko si Sophia, hindi ko alam pero biglang bumibilis yung tibok ng puso ko....Ewan ko pero sobrang saya ko nung makasama ko siya ..."
Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga, edi sana hindi na umabot sa pagkagusto ko kay Ryder.
Kung nalaman ko lang ng mas maaga, edi sana, hindi ko na siya minahal.
Pero wala eh. Kasi kahit galit ang nararamdaman ko sakanya ngayon...
siya padin yung itinitibok ng puso ko..
RYDER's POV
Kanina ko pa tinatawagan yung phone ni Kezia pero hindi niya ito sinasagot. Hindi na ako makapag-concentrate sa trabaho dahil nag-aalala na ako sakanya. Pinuntahan ko siya sa condo niya pero walang nagbubukas ng pinto. Hindi ko alam kung ayaw niya lang buksan o talagang wala siya doon. Nagtanonng na ako sa fronk desk at sinabi nila sa akin na ang huling uwi daw ni Kezia doon ay nung Sabado pa. Pupuntahan ko nalang siya sa company nila mamayang uwian. Pagkatapos ko sa trabaho, agad akong pumunta doon sa kanila. Inaabangan ko siya sa may lobby nung biglang may tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
Do You Know ME?
Novela JuvenilNatural na sa isang tao ang pagiging mapanghusga. Kung ano ang nakikita nila, iyon ang pinaniniwalaan nila. To see is to believe nga daw. Knowing and seeing are two different things. Kailangan bang baguhin ko ang sarili ko sa paraan na gusto nila? ...
