Chapter 17: Celebration Party (Day 2)

86 2 0
                                    

Nagising ako ng maaga. Siyempre nakapagpromise ako na tutulong kila Mariel na magluto. Bumaba na ako at nakita ko si Gabbie na nagluluto na ng kanin.   

"Good morning Gabbie!"  

"Good morning Elle! Ang aga mo naman gumising."  

"Ikaw din, ang aga mong gumising. Anong lulutuin natin for breakfast?"  

"Fried eggs, hotdog, ham and bacon." Nakangiti niyang sabi.  

"Ang dami pala. Tulungan na kita."  

"Maya-maya konti para saktong mainit pagkagising nila.", sabi niya.  

Naghugas nalang kami ng pinagkainan namin kagabi. Nagkwentuhan kami sa love story nila ni Derick. Nalaman ko na 2 years na pala sila ni Derick. Sobrang nakakatawa yung love story nila kasi si Derick ay kilala bilang playboy sa school nila. Hindi daw niya akalain na yung playboy ay mahuhulog sakanya at siya ang kauna-unahang babae na sineryoso niya. Hindi daw siya makapaniwala nung una. Pagkatapos naming maghugas ay nagluto na kami ng ulam. Dumating na din si Mariel. Saktong 7:30am ay natapos na kami. Sakto naman na pababa na silang lahat.  

"Wow! Ang bango! Good morning babe.", bati ni Brent kay Mariel.  

"Sipag mo naman Honey.", sabi ni Derick sabay kiss sa lips ni kay Gabbie.  

"Good morning Wifey!", sabi sa akin ni Ryder sabay hawak sa baywang ko.   

"Late magising ha.", biro ko.  

"Maaga ka lang kasi nagising.", nakangiting sabi niya. Hay, kung every morning ba naman eh laging ganito kawapo sasalubong sayo, hindi ba gaganda ang araw mo? Haha. Joke. Umagang-umaga ang landi eh noh.  

"Umupo na nga kayong love birds dyan baka lumamig pa yung pagkain.", birong sabi ni Kris.  

"Ibang pagkain yung gusto ko eh.", bulong sa akin ni Ryder sabay kagat sa may shoulders ko.

Tumaas lahat ng balahibo ko promise.  

"Hoy Ryder! Pakainin mo na nga yang si Elle nang tumaba taba naman.", sabi ni Brent. Buti nalang at walang nakakita sa ginawa ni Ryder. Abnormal talaga! Pero kinilig ako. Haha! Pinaupo ako ni Ryder sa isang upuan at tumabi siya sa akin.  

"Sabihin mo lang kung tama na ha.", sabi niya habang sinasalinan ako ng kanin.  

"Uy, tama na, ang dami ng kanin. Baka hindi ko maubos."  

"Naku naman Wifey, kumain ka ng marami. Ako nalang kakain sa hindi mo mauubos.", sabi niya.

Nag- "Yieeee!" naman silang lahat. Nag-aasaran sila sa mangyayaring swimming sa beach mamaya. Titignan daw nila kung sino ang pinakamataba sakanila. Ito namang si Ryder, abalang-abala sa pag-asikaso sa akin.  

"Anong gusto mo? Eggs? Hotdogs? Bacon? O...          

..ako?", Ngumisi  si Ryder. Hininaan niya yung huli niyang sinabi. Yung hina na ako lang ang makakarinig. Pinandilatan ko siya ng mata. Tumawa naman siya.      

"Hoy Ryder, tigil-tigilan mo nga si Elle. Tignan mo, namumula na. Baka mamaya, mamatay na yan sa kilig ha.", sabi ni  Kris.      

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon