Chapter 30: The Truth behind the lies

69 3 0
                                    

MONDAY

Wala naman gaanong kakaiba na nangyari sa office ngayon, as usual, puro paperworks. Sinubukan kong tawagan si Ryder para kamustahin. Simula kasi nung friday, hindi ko na siya ma-contact. Hindi naman siya nagtetext sa akin. Pagkababa ko ng phone, sakto namang nakasalubong ko si Gavin. Ngumiti siya sa akin. Tinanong ko kung pwede ba kaming mag-usap at pumayag naman siya. Umakyat kami sa may rooftop.

"Nagkaayos na ba kayo ni Sophia?", bungad ko sakanya.

"Hindi pa. Teka, paano mo.."

 

"Sinabi niya sa akin.", agad kong sagot.

"Hay. Hinihintay ko lang kasi na aminin niya na siya yung nagkamali. Hindi naman ako galit sakanya. So, alam mo na?", tanong niya sa akin.

"Na childhood friend kita? Oo. Haha, hindi nga ako makapaniwala eh.", sabi ko.

"Ako din. Nalaman ko lang nung sinauli ko yung kwintas mo nung nagpalit kayo ni Sophia for two days."

 

"Sabi ko na nga ba, nahuli mo ko nun eh."

 

"Magkaibang-magkaiba kasi kayo.", natatawang sabi niya.

"Hay. Matatahimik na ako. Nag-aalala kasi si Sophia eh. Alam mo naman yun, mahal na mahal ka."

 

"Alam ko. Mahal na mahal ko din naman siya. Maybe first love never die. But true love lasts.", nakangiti niyang sabi sa akin. Hay, mapapatay ko 'to sa sobrang ka-corny-han eh.

"Pag sinaktan mo siya, yung buhay mo ang hindi magla-last. Malalagot ka sa akin!", banta ko sakanya.

"Oo. Kahit hindi mo na ipaalala kasi hinding-hindi ko siya sasaktan."

 

Habang pabalik sa kanya-kanya naming office, nagkwentuhan kami sa mga nangyari noon sa amin. Inaasar ko pa nga siyang rich kid noon dahil english speaking siya dati. Ang sungit sungit pa niya. Masaya ako at alam kong may happy ending na si Sophia kasama si Gavin. Eh ako kaya? Hay, 3 days ko palang naman hindi nakikita si Ryder, bakit ba ako nagkakaganito? Hayaan mo na nga. Hindi ko alam kung susunduin niya ako. Dapat, hindi muna ako maging dependent sakanya. Sabi nga nila, masakit ang umasa. 

Haha, teka, ako ba ang nanliligaw dito sa kwento? Mehe.

Nung uwian na, tinext ko si Denice at kinakamusta. Ewan ko, feel ko lang na kamustahin siya. Maya-maya ay bigla na siyang tumawag.

"Hi Elle! Kamusta?"

 

"Eto, okay naman. Hehe. Ikaw ba?"

 

"Sinusulit ko ang bakasyon ko. Teka, pupunta ka ba mamaya?", tanong niya.

"Mamaya? Saan?"

 

"Magka-clubbing kasi kaming barkada mamaya. Hindi ba sinabi ni Ryder sayo? Yung lalaking yun talaga!"

 

"Ahh, hindi. Baka naman kasi outing niyo yun? I mean reunion as friends?"

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon