21.1

1.6K 69 2
                                    

I just wanted to sleep when I got home. I was too tired to think. Feeling ko mabibinat ako pag nag isip pako. I was actually easily able to let what happened go because come on, I was sick. I really wasn't feeling well, even until now. But that's no excuse, Meng. I know okay, there is no excuse. Magkatabi kami natulog. Hindi dapat ganun. Hindi ko man lang nirespeto relationship nila ni Louise.

Pero may mas malaki pakong problema... hindi ko mahanap phone ko. Putek naman o. Baka naiwan ko sa loob ng kotse. Lord please, sana andun lang yun. Tinatamad pakong kunin. Baka maya maya kapag tumayo na ulit ako.

Sobrang lifesaver nung pabaon ni tita, kasi at least hindi ko na kailangan mag isip kung saan ako kakain. Who am I kidding, hindi nako mapakali. Pinilit kong bumangon at hanapin ang susi ng kotse. Pag wala dun ang phone ko, baka naiwan ko kila Richard, pero pag wala pa rin dun, baka nahulog na yun sa kung san man nung isang gabi, sobrang mahihirapan ako pag nawala yun. Work, sila mommy, hay nako hassle.

Palabas nako ng bahay, pag bukas ko ng pinto, shit! Nagulat ako.

Strike two na 'tong si Kenneth ha.

"Ano ba! Lagi kang ganyan." I put my hand over my chest to calm myself.

"Tangina Meng! San ka galing?! Kahapon pako tawag ng tawag sayo, pumunta ako dito sa bahay niyo walang tao. Hindi ko alam san ka nagpunta. Hindi ka man lang nagsasabi, para kang naglaho sa mundo. Tatawagan ko na sana sila tita but I didn't want to worry them. Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba? Bat ang tamlay ng itsura mo?" His hand reached for my forehead to feel my temperature. "Mainit ka ah."

Okay, first of all, hindi ko alam bat galit nag alit 'to. Second, kailangan mag speech talaga? Last, bakit siya tense na tense?

"Kenneth, teka lang ha. Kukunin ko lang phone ko sa car tapos sa loob nako mag eexplain okay. At medyo masama pa pakiramdam ko kaya kalma ka lang, okay?"

"Kailan ka pa may sakit? Dapat tumawag ka man lang. Alam mo naman na—" Tinignan ko siya ng masama, napatigil siya.

"Sabi ko teka lang diba, sumasakit ulo ko eh. Relax. Shush muna"

"Okay, okay. Fine. Gusto mo tulong mag hanap?"

Hindi ako sumagot agad, kasi hirap na talaga ako tapos nakayuko pako dito para lang abutin ang phone ko na 'to. Nafifeel ko si Kenneth nasa likod ko lang naghihintay. Naabot ko rin.

"Nope, okay na. Nakuha ko na. Tara na sa loob." He opened the door for me and in we went.

I told him to just listen first as I explain. Huwag na muna siya sumingit kasi nga hirap pa talaga ako. Okay naman siya, nakikinig lang. So, slowly nakwento ko sakanya lahat from the very start, yung tumawag si Sam, tapos sinundo ko si Chard, naulanan, nagkasakit. Feeling ko naman, wala ako nakalimutan. Kaya nung sa tingin ko nasabi ko na lahat. Tsaka ko na siya pinagsalita.

"Ayun. I don't have to feel bad naman diba? Or mali ba ko? Yung totoo ha, ngayon ka pa ba hindi magiging honest."

Nag isip siya for a bit. Tapos medyo natawa. "Alamo kahit naman nuon pa, basta may sakit ka, sobrang protective talaga ni Richard sayo. Siya lang hindi mo tinatarayan eh, tsaka siya lang hinahayaan mong alagaan ka. Nakakatuwa naman na hanggang ngayon pala ganun pa rin."

"Uhm, Kenneth. May girlfriend po yung tao, actually malapit na maging fiancé. Tsaka may past kami, foul ba yun tabi kami natulog? Pero wala naman eh, sobrang wala lang, may sakit ako, di ko man lang namalayan nakatulog na pala ako sakanya."

"Ganito na lang. Try mo lagay sarili mo sa position ni Louise. Feeling ko naman oo sige magseselos siya, pero kasi tapatin na natin yung katotohanan, hindi biro pinagsamahan niyo, hindi naman ganun kadali balewalain yun. Tsaka para somehow mapanatag loob mo, pwede rin nating sabihing doctor siya at instincts niya na lang yun na alagaan ang may sakit. Walang ibang meaning. Diba?"

May point naman si Kenneth. Pero tama siya, kung ako si Louise, mahirap sakin yun, pero ulit at the same time, hindi ko na lang bibigyan ng meaning kung kilala ko talaga boyfriend ko at may tiwala ako sa relationship namin. Nakalimutan ko nang sagutin si Kenneth. At nakita rin naman niya na pagod na talaga ako.

"Gusto mo ba hatid kita sa kwarto mo?"

"Huwag na, dito na lang ako hihiga." Naghanap nako ng pwesto sa couch, andun naman si Kenneth sa isang sofa kaya marami akong space dito. "Pwede paabot na lang pala ng pillow at blanket ko?" Tumayo naman siya agad at kinuha nga.

Sakto, pag akyat ni Kenneth, may kumatok naman. UGH! Timing naman o. Gusto ko na sana sumigaw na lang ng "pasok" pero syempre, hay nako. Ang tagal pa ni Kenneth. So ayun na nga, tumayo nako, wala nakong pake sa itsura ko, at binuksan ang pinto.

"Louise?"

"Sorry, alam ko medyo masama pa pakiramdam mo. Pwede naman ako bumalik ng ibang araw."

"Ganun ba kahalata? Ang bigat pa kasi ng ulo ko pero hindi, okay lang. Pasok."

---------------------------------------------------------------------

To be continued...

Nahirapan ako kung sang direction ko papupuntahin yung story.. I hope you're still liking it. Thanks for reading!

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon