44.3

1.5K 68 4
                                    

RICHARD

I can't wait for me to put that ring on her finger. Para naman alam na ng lahat na off limits na siya, she's mine.

Ang pinakanakakainis kasi dito kay Meng, sometimes she's so clueless and naive as to how beautiful she is. She's just a beautiful person inside and out. I'm not saying she's perfect, she has her flaws, but we all have our own flaws. Bakit ba ako patay na patay sa taong 'to? All she needs to do is look at me, with those eyes and smile, damn, how did I get so lucky?

We just parked and are now walking together to the entrance of the mall. I couldn't resist and grabbed her hand. I can see her looking at me as soon as I did but I just looked straight, smiled and held on to her hand tighter.

Ayan nanaman yung goofy smile ko na di mawala kasi holding hands kaming naglalakad sa mall. Since hindi nga ako familiar, Meng led me to where the cinemas were. We lined up to buy our tickets.

"Chard, ganito. Pila ka dito for the tickets. Bili ako popcorn and drinks. Anong gusto mo?"

"Ehh, dito ka lang. Huwag moko iwan." I held her hand tighter.

"Parang bata 'to. Para hindi tayo malate sa movie. Tsaka mas efficient pag ganun."

I just pouted and shook my head.

"Hay nako! Fine."

I won. So pumila lang kami sa tickets sabay. Hindi naman kasi mahaba yung pila. Tapos sabay na rin kami bumili ng popcorn pati drinks. Wala akong pake kung isipin ni Meng na ang clingy ko kasi totoo, sobrang clingy ko sakanya kasi minsan lang naman ako mabigyan ng chance to spend time with her or take her on dates. Kasi naman, tsaka mamimiss ko talaga siya.

Sakto lang rin yung pasok namin sa cinema kasi pastart pa lang yung movie. I was literally dragging Meng kasi excited talaga ako. We found our seats and settle down.

"Chard, how am I supposed to eat my popcorn ng maayos kung hindi mo bibitawan kamay ko?" Meng whispered to me.

"Popcorn o ako?"

Tinignan niya lang ako. Tapos tumawa ako ng mahina and let go of her hand to let her eat her popcorn in peace.

MAINE

Napakaclingy ng taong 'to, daig ang baby na ayaw mahiwalay sa ina, ganung level. Pero it's not that I'm complaining. I kinda like it actually. Nako Maine, napakalandi. Siguro lahat ng babae nagtataka bakit ako ang napiling kasama nito.

After church, we were walking back to the car na to have have dinner with the parents. They wanted to eat lang sa condo ko kasi pagod na sila lumabas, traffic daw at medyo maaga flight nila bukas.

Ito nanaman ang walang kamatayang agawan sa pag drive.

"Pwede ako na mag drive pauwi? Wala namana tayong hinahabol eh."

Bakit ba issue sakanya 'to ngayon. "Bakit ba gustong-gusto mo mag drive dito?"

"Wala. Para lang alam mo yung feeling pag nandito ako. Date tayo sa weekends, may taga hatid sundo ka, mga ganun."

"You mean para alam ko anong feeling pag may boyfriend?"

"Hindi. Para alam mo anong feeling pag may Richard ka dito. Kailangan specific Meng."

Natatawa na lang ako sakanya. Sa totoo lang nagugutom nako, kaya hindi nako nakipag argue. "O siya, ikaw na mag drive o." Inabot ko sakanya yung susi at sumakay sa passenger's seat.

I like how he smiles everytime he gets what he wants today. Hinayaan ko na, minsan lang naman siya nandito tsaka medyo cute siya sa ganung smile eh.

"Thanks for watching the movie with me, did you like it? Parang naiyak ka dun ah?"

"Tantanan mo ko Richard, una kang naiyak satin. Nakarelate ka ba kaya ka naiyak?" Ang yabang ng iyakin na 'to.

"Umiyak ka pa rin."

"Naluha lang. Ikaw yung pumatak talaga yung mga luha eh. Iyakin!"

"Grabe siya. Tsaka hindi naman ako nakarelate masyado. Mas maganda love story natin dun."

Masingit lang talaga yung samin eh. "Ako parang nakarelate ako kay Isay."

Medyo kita yung gulat niya. Halatang hindi niya inexpect makakarelate ako at kay Isay pa talaga. "Bakit sakanya?"

Kasi nung nakita kita masaya na kay Louise before, I was happy for you and you deserved to find your happiness even if hindi na ako yun. "Kasi tulad nung ginawa niya kay Andrew, I will reject your proposal too and walk away." Tapos hindi muna ako tumawa, tinignan ko muna magiging reaction niya.

Bigla niyang tinabi yung kotse and parked sa gilid ng road. Tapos tumingin lang siya sakin, hindi siya nagsasalita. Tinitignan niya lang ako sa mata nang para bang may hinahanap.

I give up. "What?" Hindi ko inexpect ganito magiging reaction niya. Dapat pinagtatawanan ko na siya by now eh.

It took him a while to answer as he is still scanning my face. "I wanted to see if you were serious or pinagtitripan mo nanaman ako."

Oh my god this guy. Minsan talaga. Ibang klase rin 'to eh. I rolled my eyes at him. "Ang OA ha. Joke lang kasi." Ang baduy, kainis. 

Pero hindi pa rin kami gumagalaw, nakapark lang kami. Tapos ganun lang mukha niya, at medyo sad pa. Hanggang sa sinabi niya, "Please don't break my heart like this. Binuo mo na ako eh." Then he took my hand. "Binuo mo na ako Menggay."

Tangina ni gago. Ang lakas ng trip. Binatukan ko nga. Nakakainis.

"Drive ka na nga, gutom nako!"

Tapos tumatawa lang siya. Tawang tawa po siya sa kalokohan niya. "Ano, pwede pwede? Papasa na ba akong artista?"

"Ewan ko sayo, baliw."

Tumatawa pa rin siya. Tapos natatawa na lang rin ako. Well played Chard, well played.

"Pero seryoso yun ha."

"Yung alin?"

"Yung binuo mo na ako."

"Tigilan mo nga ako."

Pero aminin mo Meng, kinilig ka.

"Buti na lang short lang stay mo dito." I blurted out.

"Huh?" Oh shit. Did I say that out loud? Fuck. Meng ang fail mo. "Bakit naman?"

You and your big mouth Maine. Wala ka nang lusot. "Wala lang. Kasi mahirap na eh."

"Mahirap ang?"

I exhaled, wala na, might as well say it. "Wala baka mamiss kita na nandito kasi mahirap na baka masanay ako na kasama kita dito." Tapos tumingin lang ako sa labas ng window. Nahihiya ako eh. I wasn't supposed to say that out loud. Magfifeeling nanaman 'to, sure.

Wala siyang imik. So sinilip ko siya. Ang lalim nung dimple niya tapos nakangiti lang siya na parang kinikilig na gago pero ang gwapo pa rin, ewan ko ba dito. Tapos tumingin lang rin siya sakin still with that same smile on his face.

What are you thinking Richard? Nakakakaba mga tingin at ngiti mong ganyan eh.

--------------------------------------------------------------------------------------------

To be continued...

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon