22.2

1.5K 84 3
                                    

Kausap ko sila mommy sa phone. Medyo mahabang usapan kasi ilang araw ko rin sila hindi nakausap at mukhang hindi pa sila makakauwi agad. Hay nako timing, kung kailan andito rin ako, sila naman yung wala.

Hindi pa kami tapos mag usap nung kumakatok na si Richard.

"Yes mom, I'm okay naman. Hindi namana po grabe sakit ko, mabigat lang pakiramdam ko dahil sa ubo at sipon. Pero wala na pong fever." Binati ko si Richard habang kausap pa sila at tinuro ko na umupo muna siya sa sofa. Sumunod naman siya. Pero narinig nila mommy, may iba akong kausap.

"O sino nandiyan anak? Dinadalaw ka ni Kenneth?"

"Ano nanamang Kenneth ma? Hindi, joke lang. Kahapon po siya dumalaw. Si Richard po yung nandito actually." Tumingin ako kay Richard, tapos he signaled that I sit next to him on the sofa. Sumunod naman ako. Pero nilagyan ko ng space.

Parang nagulat sila kasi hindi na nakasagot 'tong magulang ko. "Hello. Ma? Dad?"

"Si Richard anak?"

"Opo, may iba pa po bang Richard?" I told Richard mag hi siya para maniwala sila. Ito naman, kailangan ganyan kalapit? He was just going to say hi to my parents on the phone, pero he moved more to my side, wala na po yung space. Naiilang ako for some reason, pero mukhang wala lang naman sakanya. "Hello po tito, tita!"

Nasakanya na yung cellphone, sila na nag usap pero nakasiksik pa rin siya sakin. "Oo nga po eh, umiinom naman ata? Hindi ko siya nakita kahapon eh, so sigurado kahapon hindi 'to uminom ng gamot." Tapos tumatawa pa siya. "Oo naman po, hindi ko po papabayaan si Menggay." Tumatawa pa rin siya. "Po? Ahh, opo opo. Sige po. Matagal pa po ba kayo diyan? Ahh sige po, sayang." Binabalik na niya sakin yung phone, "Kausapin ka daw nila." Wow ha, parang kasi kami talaga ng magulang ko yung magkausap eh. Kinuha ko sakanya yung phone.

"Ma. Ay dad, sorry." Hindi siya lumalayo, nakatingin lang siya sakin habang kausap ko parents ko at nakangiti.

"Nakakatuwa naman na andiyan si Richard." Sabi ng parents ko sa phone. Tumingin ako kay Richard, tinitignan ko kung naririnig niya ba boses nila daddy. Parang hindi naman.

"Nagkataon lang po dumaan, baka napag utusan ni tita kasi alam nila may sakit ako." Agad naman siyang nag protest. Sumigaw siya sa tabi ko, "Nako tito, tita, sariling initiative po 'to ha. Walang nag utos sakin na puntahan si Meng!"

Tumingin ako sakanya, "Pwede mamaya ka na?" Pero natawa lang siya dito.

"Dad, tawag ako mamaya maya ulit ha? Opo, love you po, miss ko kayo. Balik na kayo agad. Sige po, bye."

Pag baba ko ng phone, nakatingin lang ako sakanya tapos nakatingin lang rin siya sakin. Tumayo ako kasi ang laki laki ng bahay nakasiksik 'to eh.

Tumayo rin 'tong isang 'to. "San ka pupunta?"

"Hindi ba pwedeng mag tubig? May gusto ka?" Pinaupo niya ko ulit.

"Ikaw. Ikaw gusto ko." Napalo ko nga siya. "Grabe 'to kahit may sakit. Tubig lang ba? Ako na kukuha, diyan ka lang, huwag kang gagalaw. May sakit ka pa eh. May gusto ka pa bang iba?" Binabalik pa mga tanong ko.

"Wala na." That's all I answered.

Nagmadali siyang kumuha ng tubig. Pag balik niya, ilalagay niya pa lang sa table ang pitcher at aabutan ako ng baso, tinanong ko na siya ng derecho, "Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"I wanted to check up on you. You didn't sound so good on the phone. And..."

Uminom ako. "And?"

"Anong sinabi sayo ni Louise?"

"Ahh yun, sorry talaga ha. Baka na excite lang siya kaya niya nasabi agad sakin. Pero okay na, sasabihan ko rin pala si Kenneth na huwag muna pagkakalat."

Nakatingin lang siya sakin, "Bakit nandito si Kenneth kahapon? Pinapunta mo ba siya? Nanliligaw ba siya sayo?"

Okay, medyo naguguluhan nako. Feeling ba niya magkabarkada kami ulit catching up. Sinagot ko pa rin naman, "Hindi naman. Ligaw agad? Kasi nga diba wala akong cellphone since nagkasakit ako so hinahanap niya lang ako."

"Bakit ka niya hinahanap? May gusto ba siya sayo? Gusto mo ba siya?"

Okay litong lito nako. "So, teka ha. Pinuntahan mo ko dito para tanungin about kay Kenneth? Hindi pwedeng itext yan or sa phone na lang sabihin? Or siya yung puntahan mo para malaman mo."

"Eh di ka naman nagrereply sa mga text ko eh. Nagulat nga ako sinagot mo tawag ko kanina."

Naiirita nako kasi, feeling ko nasasayang oras ko dito. So hindi nako sumagot. Dumidikit nanaman siya, sisiksikin nanaman ako kaya inunahan ko na, "Pwede huwag ka masyadong dumikit, malaki naman 'tong sofa eh."

Tumigil naman siya and stayed on his side of the sofa. "Bakit ka sumisigaw? Napipikon ka na ba?"

Oo, napipikon nako. Pumikit ako to calm myself and breathed. I faced him and then said in a serious tone. "Chard, bakit ka ba talaga nandito?"

He just looked at me, seryoso na siya. "Kasi Meng. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Louise sa'yo at bakit niya sinabi yun. Pero I broke up with her. I've been ending it since last week pa."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

What do you think? Hope you're still liking it. Thanks for reading!

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon