27.1

1.5K 68 3
                                    

RICHARD

I woke up a litte bit too early. I still remember the coffee fiasco from last night. Sobrang baliw ko na ba, nakatitig lang ako sa kape ko sa table, hindi ko na mapigilan yung ngiti ko na mukhang gago lang.

"Anak, okay ka lang? Mukhang maganda gising natin ah." Ayan na pangaasar ng magulang ko.

"Okay naman ma, sarap talaga ng kape niyo." I took another swig.

I checked my phone. I don't care kung nakailang text nako kay Meng, wala pa ring reply. Sabagay, tulog pa siguro yun. Mamaya maya ko na tatawagan.

"Anong oras ka nanaman nakauwi kagabi? Lasing ka nanaman ba?"

"Hindi naman ako masyado uminom. Hahatid ko kasi si Meng eh."

"Ahh, so magkasama kayo kagabi?"

"Hindi, kasama niya friends niya, kasama ko naman sila Sam. Pero hinatid ko lang siya pauwi." Tapos tumingin ako sakanila kasi iba na mga itsura nito.

"Relax guys, hinatid ko lang."

"Buti pumayag siya."

"Hindi naman ako matiis nun eh."

That got a hearty laugh from everyone.

MAINE

Before sleeping last night, naalala ko naiwan ko nga pala phone ko kila Kenneth. Nagising ako a little before lunch, tignan ko kung pwede ko muna kunin phone ko kila Kenneth.

"Buti naman gising ka na. Lasing ka ba kagabi?"

"Grabe sila. Hindi naman po. Bakit?"

"Nagkalat ka dun o, tapos nag try ka pa magtimpla ng kape. Hindi ka naman marunong diba?"

"Oo nga po, tinry lang po. Bakit kasi wala na tayo nung mga 3 in 1." Nakapout kong sinabi kasi pinahiya ako ng kape na yan kagabi eh.

Natawa lang magulang ko.

"O, since maglalunch na lang rin, kumain ka na muna."

"Nga pala, naiwan ko po phone ko sa kotse ni Kenneth eh, kunin ko pa pag ka kain ha."

"O sige, magdala ka na rin ng pagkain dun. Kung san san mo naiiwan yang phone mo."

"At least di ko nawawala diba po?"

RICHARD

Bakit wala pa rin. Lunch time na o. Tawagan ko na kaya.

....

...

..

Wala.

Baka nahangover? Grabe naman yun. Pupuntahan ko na lang.

Tapos bago umalis, naisipan ko dalhan siya ng kape. Alam ko favourite niya yung ginagawa ni mommy, sabihin ko na lang ako may gawa.

Pagdating ko sakanila, nagulat ako sila tita sumagot.

"Good morning po. Ay afternoon na pala."

"Kamusta anak? Pasok."

"Bless po. May dala po akong kape. Gising na po ba si Menggay?"

"Meron ba kami diyan? Timpla ba yan ng mommy mo?"

"Opo, meron rin po kayo syempre." Tumitingin tingin ako sa taas, baka lumabas na si Menggay. Nagulat ako si tita lumabas.

"Uy, iho. Ikaw pala yan."

"Hello po tita. Si Menggay po? Tulog pa po ba?"

"Naku. Nagkasalisi kayo. Hindi mo ba nakita lumabas?"

Huh, pano. "San po nagpunta?"

"Kila Kenneth." Sabi ni tita, tapos biglang sumingit si tito, "Dinalhan ng pagkain, medyo marami daw nainom kagabi eh. Kaya concerned siya, pinuntahan niya. Hindi naman namin mapigilan kasi nagpupumilit eh. Feeling ko may something na sa dalawang yun eh."

"Po?!"

Pinalo ni Tita si tito pero kung ano ano na pumasok sa utak ko. "Ano ka ba dad, masyado mo naman inano."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung ako sayo anak, puntahan mo. Pag laban mo. Bago ka pa maunahan."

"Maraming salamat tito ha. Tita, una na po ako. Pupuntahan ko po si Meng." Nag bless ulit ako sakanilang dalawa tapos nagmadali na. Shit!

***

"Bakit mo naman pinapanic yung bata?"

Tawang tawa lang daddy ni Maine. "Eh ang sarap pagtripan eh, sobrang late reaction."

"Lagot ka sa anak mo pag uwi nun."

Tawang tawa pa rin daddy ni Maine. "Hayaan mo sila."

"Hayaan, eh ikaw 'tong imbento diyan."

***

Sinubukan ko ulit tawagan si Meng. Wala talagang sumasagot. Isip tuloy ako ng isip, may nangyari ba kagabi at narealise niyang si Kenneth pala mahal niya. Am I too late? No. Hindi pwede.

Pagkadating ko sa labas ng bahay nila Kenneth sakto, palabas si Meng ng bahay nila. Nasa likod niya si Kenneth nakasunod. Ewan ko ba nandilim na paningin ko. Bumaba ako ng kotse at halos sinugod ko si Kenneth. I punched him, straight in the face. Nakatingin lang sakin si Meng gulong gulo.

"Richard! Nasisiraan ka na ba ng ulo?!"

Meng bent down to help Kenneth whose nose was now bleeding. I looked at my fist, medyo masakit siya. Sumobra ata suntok ko. I tried to help Kenneth too.

"I'm sorry. Nabigla lang ako."

"Richard, umalis ka na please!"

"Meng. Hindi ko sinasadya..."

Yung tingin ni Meng sakin yung hindi ko nakaya.

"Umalis ka na lang. Please."

---------------------------------------------------------

To be continued...    

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon