32

1.5K 76 3
                                    

A day before the reunion, I had lunch with Kenneth and Val. No hindi nako nakipagkita kay Richard, sabi ko sakanya sa reunion na kami magkikita. Napakakulit. Buti nga wala naman siyang surprise visits sa bahay. Hindi naman sa nag eexpect ako, sinasabi ko lang.

Wala pa pagkain namin, hindi na nakatiis si Val. "Girl, spill."

"Huh? What about?"

"Huwag ka nga, maangmaangan pa 'to eh."

"Val. Nag aadik ka nanaman eh. Trip mo nanaman ako."

"Kala mo hindi ko pansin. Yang phone mo tutunog lang yan kung ako o si Kenneth ang nag text sayo. Ngayon kasama mo na kami pareho, tunog pa rin ng tunog . Huwag mo ring sabihin sila tita tito yan, mapapalo kita."

"Grabe ka Val." Yun lang nasabi ko, ibang klase rin talaga 'tong kaibigan kong 'to. Tumingin ako kay Kenneth, nagpapatulong. Nakasmile lang siya sakin. Okay ang laking tulong nun Kenneth ah.

"So ano nga, anong meron? May nangyari ba sa out of town beach trip niyo?"

"Huy. Umayos ka nga, baka may makarinig pa sayo eh. Wala, okay. Nireject ko siya."

"Anong nireject, magkwento ka na kasi Maine." Okay nakakatakot si Val ah, kaya ano pa ba magagawa ko, nagkwento nako. Kinwento ko in detail as much as I can remember. Wala namang point if magtago pako sakanila. When I was done, hindi convinced si Val.

"Sabihin mo nga sakin, alin dun ang rejection? San banda, girl?"

"Marami. Buong trip, I kept on rejecting him kaya."

Natatawa lang si Kenneth. Kaya siya na tinanong ni Val. "Sige nga, ikaw Kenneth, kung sayo sinabi ni Maine yun or kung sayo niya ginawa, ano mafifeel mo? Rejection ba? Yung totoo ah. Huwag kang kakampi kay Maine, isa ka pa eh, subukan mo lang."

Tumatawa lang siya pero he cleared his throat eventually at nag seryoso. "Kung sakin sinabi yun, rejection siya sige." Tapos papaluin na siya ni Val. "Teka teka kasi hindi pa ako tapos. Rejection siya sige, pero kasi pwede rin." Pinalo nanaman siya ni Val. "Aray ha. Okay fine. More of challenge siya. For me. It's like you were challenging him to prove you wrong. Yun yung dating sakin."

"Yown, tumama ka rin Kenneth."

I was a bit confused. San sa mga sinabi ko ang 'prove me wrong'?

"Alam mo kasi Maine." Si Kenneth na nagsasalita. "Kayo ni Richard, walang friends friends sainyo eh. Lovers or nothing kayo." Okay, Kenneth, san galing yun? Salamat ha.

Napapalakpak at hiyaw pa si Val. Yung totoo? "Ay Kenneth! Gustong gusto ko yun! Lovers or nothing. Yun sila eh, yun ang perfect description sakanila." Nag apir pa sila. 

"Excuse me lang ha, baka pwede akong sumingit, gusto ko lang sabihin na andito po ako at naririnig ko lahat, pwede maging considerate konte. So ano yun, bawal kaming friends ganun?"

"Maine, hindi naman sa bawal pero hindi kayo pwedeng friends, kasi sino ba niloko niyo, ano yun friends lang pero may feelings. Pabebe lang? Tanda niyo na huy."

Nakakainis 'tong sila Val. Itong si Kenneth pa kung makagatong eh.

"Tama na ang in denial girl, hindi bagay sayo. Lunukin mo na yang pride mo."

"Anong pride Val? Hindi naman pride ang issue dito."

"Kasi aminin na natin, napakatagal bago ka naka move on sakanya, sobra kang nasaktan, so hindi mo matanggap na iwewelcome mo lang siya ulit sa life mo ng ganun ganun lang."

Ganun ba? Hindi naman ata. Okay namana ako ngayon. Tsaka matagal na yun eh. Hindi naman ako galit kay Richard or nagalit sakanya ever.

"Hindi naman kasi sa ganun."

"Ganun yun. Tsaka syempre yung trust, kailangan niya i-earn ulit. Tapos andun rin yung takot mo na you barely survived the last heartbreak, you're not sure if you can take another, from the same guy pa. Tapos you have this ideal image pa of Richard. Perfect guy siya para sayo tapos hindi mo matanggap na sasaktan ka lang niya ulit. "

"Okay, Val, tama na. I think sobrang overthinking na yan. We're getting too ahead of ourselves okay. Relax. Wala pa nangyayari."

"Take note, 'pa, wala pang nangyayari'. Ayaw mo lang marinig kasi totoo lahat ng sinasabi ko." Tapos tumatawa siya. Parang baliw lang. "Pero okay, nalabas ko na. Okay na ako. Eh ikaw? Kailan ka aamin?"

"Ano nanamang ako? Wala namang kailangang aminin."

"Labas mo na kasi yan. Hirap kaya magtago ng feelings. Besides, the truth will set you free. Sabihin mo nga sakin, san ka ba pinaka natatakot? What if sumunod nga sayo yan dun? Ano na? Tsaka bakit mo ba pinipigilan, what if gusto niya talaga?"

Natawa lang ako dito. Loka loka. "Wala. Wala kasing ganun. Hindi siya susunod. Tsaka never naman talaga niyang gustong umalis dito. Kain na nga lang tayo. Nagugutom nako."

"Sige mag deny ka lang diyan. Lalabas rin yan. Abangan ko na lang. Sabi nga nila diba, face your fears!"

Jusko. Itong si Valeen talaga may pagka-bipolar rin eh. I love her pero sometimes I really hate how frank she can get, especially sakin. Bakit nga ba kasi Meng? Hindi ko alam at ayoko ring isipin muna. I repeat, reunion ang pinunta ko, wala nang iba. Sumabay ako kay Kenneth pauwi. Hindi ko talaga pinalampas mga comment niya.

"Alam mo ikaw, may pa lovers or nothing ka pa kanina ha. Kung di ka lang malakas sakin."

"Nagsasabi lang ng totoo, based on observations lang."

"May observations ka pang nalalaman."

"Pero di nga, iba ngiti mo ngayon."

"Tigilan mo ko Kenneth ah. Quota ka na today."

"Again, nagsasabi lang ng totoo, based on observations."

"Che."

"O ano, bukas, what time kita daanan? Sabay na tayo puntang reunion."

Ay shit. Hindi ko nga pala nabanggit kanina. Eh kasi naman si Valeen, wala nanamang preno yung bibig eh.

"May sasabayan nako eh."

"Sino?" Bago pako makapagsalita, parang nagets niya kasi bigla siyang tumawa tapos umiling, pero pilit lang na tawa, parang nahurt ko siya pero syempre assuming lang ako.

"Uy sorry ah, tignan ko na lang kung pauwi makakasabay ako sayo ah. Pinagbigyan ko lang 'tong isa."

"Hindi ano ka ba Maine, bakit ka nagsosorry. Okay lang yun. Kita na lang tayo bukas sa reunion. Huwag ka masyado magpaganda ha, hindi namana kailangan." Ewan ko pero iba yung nafifeel ko, parang bumigat yung ambience sa kotse.

"Baliw. Wala lang yun."

"Basta alam mo naman san ako hahanapin o pano ako tawagan eh kung kailangan mo ng fall back."

Bago ako bumaba, bineso ko siya at hinawakan kamay niya. "Thank you Kenneth ha. For everything you do for me and for always being there. Hindi ko talaga alam gagawin ko without you."

"Bakit ang drama? Okay lang yun, wala yun. Anything for you Maine. As always."

Tapos I hugged him. "Thank you talaga. Hindi mo lang alam! Rock talaga kita forever." Then I let go na, and went down. "Pero hindi ko pa rin nakakalimutan yung comment mo ha, nakakainis ka dun." Tumawa lang siya. "See you tomorrow." Tapos I gave him a flying kiss before he drove away.

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon