34.3

1.4K 67 5
                                    

MAINE

I was standing outside their house for quite a while now. Medyo quiet, bakit kaya? Baka maaga lang talaga ako. Yan kasi Menggay, may pa surprise ka pa kasing nalalaman eh.

4:15pm. I knocked again. I brought out my phone na and was about to call Richard. But the door opened. It was Riza.

"Ate meng?!" Tapos niyakap niya ako agad.

"Hi."

The door opened wider it was tita.

"O, Menggay iha. Akala ko this morning ang alis mo?"

They welcomed me in. But there was no one here except for the Faulkersons and my parents. Was I too early? Today naman yun diba?

"Sorry po. Si Richard po?"

Nagets na nila. Pero nakakainis, ang sama ng timing ko.

"Nako iha, pinatawag siya sa work kaninang umaga. So, bukas na lang namin icecelebrate yung birthday niya. But pasok ka, upo ka dun, andun mommy daddy mo." Oh. Tangina mo Maine. Pwede kasing tumawag muna or mag text.

Great, my parents.

"Hey mom and dad. I know. Surprise!" Sobrang gulat silang dalawa.

"Menggay! Anong ginagawa mo dito? Diba wala pa atang 4:30 kaninang madaling araw iniwan ka na namin sa airport. Jusko kang bata ka talaga."

"Surprise." I said again as I sat across them. Tapos syempre napansin nila yung hawak kong gift for Chard, at hindi nila 'to palalampasin.

"May gift pa. Kailan ka bumili ng gift? Tsaka kailan na flight mo anak?"

"Kanina ako bumili while waiting for the time. Tapos pinamove ko flight ko ng 10:15 later." Syempre hindi ko na sinabi na I bought a new one.

"Paano mga meetings mo today anak? Sabi mo marami kang work?"

"Sinalo po ako ni Kenneth eh. Sayang naman daw kasi, nandito na lang rin naman ako."

"Paano later, sino kasabay mo? Hatinggabi ka na makakadating dun."

"Susunduin naman daw ako ni Kenneth rin mamaya."

"Wow. Ayos ah. Pinag-isipan niyo talagang dalawa 'to."

"Actually mostly si Kenneth, siya talaga may pakana nito. Kaso yun nga lang, hindi pala tuloy. Ang fail. Wala pala si Richard." Pinagtawanan lang ako ng magulang ko.

"Miss mo na ba?" Tapos tumatawa lang sila. Okay lang, na ready ko naman sarili ko sa lahat ng pang aasar today. "Okay lang yun, at least makakasama ka pa namin."

Bumalik na rin parents ni Richard pati si Riza.

"Iha, sorry ha. Kanina pa namin tinatry tawagan eh, walang sumasagot. Pero tinext na rin namin at sinabi na andito ka. Sabi naman niya kanina bago siya umalis baka matapos siya ng maaga eh."

"Ah okay lang po, baka busy. Kasalanan ko rin naman, hindi ako nagsabi at hindi ako nagtatanong." I try my hardest not to look that disappointed.

Tumabi na rin sakin si Riza. Kaya naisipan ko sakanya na lang pabigay yung gift. Hindi na kasi ako dapat talaga nagpaiwan eh, mas madali naman kasing tumawag na lang.

"Ate Menggay naman, dapat sinabihan mo ko sa plano mo para napigilan ko si kuya from working today!" Kung may mas disappointed sa nangyayari, si Riza yun. Infairness naman, napatawa niya ako.

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon