42.1

1.4K 69 3
                                    

Friday

"Hindi ko po kayo masusundo ha. Pero iniwan ko po yung susi ng condo sa guard tapos susi po ng kotse sa living room. Para makapag ikot ikot kayo habang nasa work pa po ako."

"Sasabay na lang po ako kay Kenneth. Opo, sige po, ingat kayo."

On our way to work now. Perks of living in the same building with your officemate.

"Thanks Kenneth ha."

"Wala 'to. Maliit na bagay."

"Nga pala, bukas sama ka samin. Birthday dinner."

"Hindi ako pwede bukas, Maine eh."

"Birthday na birthday ko hindi ka pwede?" Hmph. Nakakatampo ha.

"O bakit ka nakasimangot diyan? Sorry na, ito nga o pambawi ko sayo. Tsaka pwede naman natin celebrate sa Sunday. San kayo nun, pwede nako nun."

"Hindi ko na birthday sa Sunday."

"Grabe siya. Ang taray."

Tahimik na lang ako hanggang sa makaabot kami work. Kasi naman, alam naman niya birthday ko, dapat hindi siya gumawa ng plano. Buti na lang andito sila mommy.

Nung lunch break, tinawagan ko si Val.

"Val. Andito sila mommy. Andito ka ba? Sama ka samin bukas dinner."

"Nako Maine, wala ako diyan ngayon eh."

"Ah, ganun ba sige."

"Sorry ha you know I love you and advanced happy birthday! I-hello mo na lang ako kila tita!"

"Okay. Bye."

Yung totoo, friends? Bakit ganun? Dapat alam nila pag birthday ko dapat present sila diba. Buti na lang talaga dumating mga magulang ko. Mag isa pa ata ako magcecelebrate...

Sumabay ako kay Kenneth pauwi.

"Huwag ka na tampo diyan. Nabusy lang talaga eh."

"Eh kasi si Val rin hindi pwede eh."

"Babawi na lang kami sayo."

"Okay, fine. Text text na lang. Thanks ulit."

I guess okay na rin 'to to spend quality time with the parents. Pag daan ko sa guard, wala yung susi, so I guess asa taas pa sila. I knocked on the door and waited.

Mom opened it for me.

"Ma!" I gave my mom a hug.

"Hi anak! Si Kenneth asan na?"

"May gagawin pa po siya eh, hinatid niya lang ako. Hindi na kayo nag ikot?"

"Hindi na. Pahinga muna kami ng daddy mo."

"Hi dad." Andun siya sa may living room nanunuod ng tv. I went over to him to give him a hug too.

"Parang pumapayat ka anak ah."

"Dad naman, hindi na bago yun. Kamusta byahe?"

"Okay naman, pero matagal pa naman kami dito kaya naisipan naming pahinga lang today. Gutom ka na ba?"

"Hindi pa naman po. Kahit pa deliver na lang po tayo mamaya. Magbibihis lang po muna ako ha. Sarap birthday weekend ko na. So glad you guys are here."

I went in my room. Actually the set up now is sa living room ako matutulog, dito sila mommy, pero tinatamad pako ayusin kama ko dun. Mamaya maya na lang.

Paglabas ko magkatabi na sila mommy at daddy sa couch while watching tv. Ang cute nila tignan, parang nasa bahay lang kami. Nakakatuwa. Sana makahanap ako ng ganyan sa future, like what my parents have. Sana makahanap nako ng someone to spend the rest of my life with and actually stay together.

Ano ba yan. Si Richard nanaman napipicture kong kasama ko. Bakit ba ganun. Speaking of, hindi niya pa rin binabanggit birthday ko ha. Malapit na ako magtampo. Kung nakalimutan niya talaga birthday ko, ewan ko na lang.

"O anak, andiyan ka na pala. Nagpa deliver na kami ha, darating na rin yun maya maya." Ang kulit. Gutom na siguro 'tong mga 'to.

"Ah talaga po, san po kayo nag padeliver?"

"Basta isa diyan sa mga menu sa fridge mo."

"Sige po. Kahit ano naman okay sakin eh."

Tumabi na rin ako sakanila sa sofa. Syempre sa gitna ako. Ako yung baby eh. Nagkukwentuhan lang kami. Hindi ko rin sila masyado nakausap kasi busy rin naman sila sa work tapos ako rin busy sa work. Ang sarap mag catch up sakanila. Nagfafamily dinners pa rin sila. Pasimple lang ako kung nababanggit nila si Richard. Hindi naman kasi ata nila alam na okay kami ngayon, or kung gaano kami ka-okay ni Chard ngayon. Nung mapansin ko na halos mag-iisang oras na, wala pa rin yung pinadeliver nila.

"Ma, hindi ba masyado nang matagal?"

"Sus naman anak, ikaw yung taga dito diba, baka natraffic lang yun."

Sa bagay. Pero sige, hindi naman sila nagrereklamo. Kaso medyo nagugutom na pala ako. Sinilip ko sila mommy, kalma lang naman sila. Parang wala lang sakanila na natatagalan na nga medyo yung delivery. Kwentuhan lang kami ulit. Since only child nga ako, medyo close talaga ako sa parents ko. 

Jusko mag 8pm na, wala pa rin yung pagkain. San ba kasi nagpadeliver 'to si mommy, baka sobrang layo naman kasi nung tinawagan niya.

May kumakatok na, yes! Tumayo si mommy pero inunahan ko na siya.

"Ako na po." Nagmadali ako papunta sa pinto. "Magkano po pala lahat ma?" Then I opened the door.

"SURPRISE!!!!"

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon