44.4

1.6K 77 5
                                    

The dinner with my parents went well. I will really miss having people here. I am not lonely and I am quite comfortable living alone, but it's not so bad also to have company here.

We were all seated by the couch now, we moved Richard's bed first to make room for everyone. Just having wine with ice cream and watching whatever was on TV.

"Anong oras work mo bukas Menggay? Pwede naman kami magtaxi from here to the airport."

"Ano ba dad, maaga naman flight niyo, hatid ko na kayo, abot pa rin ako sa work."

"Matagal pa ba dito si Elmo? Pasabi pasensya hindi na kami nakapag bye." Tapos hinawakan niya balikat ni Richard. "Sorry iho ha, alam mo naman pagdating kay Meng, boto kami sayo."

"Tito naman, okay lang."

Napailing na lang ako eh, pero sinagot ko pa rin dad ko. "Okay lang yun dad, sabihan ko na lang siya, magkikita naman kami bukas."

"Matagal pa ba siya dito?" My dad asked again.

"Oh right, hmm. I think not more than a month? We're in the medyo final stages namana."

"Okay okay. Buti patapos na para makapag pahinga ka na, ang payat mo anak. Parang di ka nakakakain at kulang sa tulog."

"Grabe naman kayo sakin dad."

"Don't worry tito pag nandito nako, papatabain ko po yan si Meng." There goes Richard again sa mga hirit niyang ganyan.

"May nilagay kami sa fridge mga left overs na pwede mong initin na lang anak ha, para pag pagod ka na tapos galing kang work. Siguro kasya yan for one week." My mom.

"Aww mom dad, mamimiss ko kayo. I'll be fine. Don't worry too much about me, okay? I will take care of myself and eat and sleep maayos." I gave my parents a hug.

"Alam mo sa totoo lang parang gusto ko nga kasama mo na lang dito si Richard." Nagulat ako sa biglang sabi ng mommy ko.

Nagtinginan lang kami ni Richard. Parang nagulat rin siya. Tapos my mom continued, "Para makasigurado ako na hindi mo pinapabayaan sarili mo at kung pabayaan mo man, alam ko may magaalaga sayo."

Itong magulang ko shipper rin 'to eh. Kala mo naman kasi first time nila akong iiwan mag isa. Medyo matagal na po ako dito.

"Mommy naman. Okay lang naman po ako. Parang hindi ko naman inaalagaan sarili ko dito."

"Eh yung fridge mo kaya, pag dating namin walang laman kung hindi alak, soft drinks o juice. Wala ka man lang cereal anak o fruits."

"Naubusan lang po, may cereal po yan tsaka fruits."

"Pinuno na namin ng daddy mo yan. Iinitin mo na lang. Pati 3 in 1 coffee mo binilhan ka na namin."

Hay my parents. Okay sorry if hindi ako marunong mag luto or magtimpla ng kape pero kasi naman may delivery naman at may coffee shop malapit dito kaya okay lang ako.

I saw Richard shake his head while smiling, feeling ko may gusto siyang sabihin at asarin sakin kung wala lang magulang ko dito.

"Thank you. I was going to do grocery as soon as I'm done with this project. Naging busy lang po talaga."

"Hay nako kang bata ka talaga."

"I love you guys."

We tried to finish this TV show that was on but it was almost 11 and my parents had to go to sleep.

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon